May 16, 2020-1:35pm
Nanawagan ng panalangin at tulong si Borongan Bishop Crispin Varquez sa mga mananampalataya para sa mga labis na naapektuhan ng bagyong Ambo sa Eastern Samar.
Ayon sa inilabas na video message ni Bishop Varquez, kabilang sa mga napinsala ang kumbento at ang San Ramon Nonato Parish sa Arteche.
“Parang super typhoon na siya, dahil matibay po ang simbahan sa Arteche pero tinanggal po ang whole roofing at yuon pong walling sa altar ay bumaliktad din. ‘Yan po ang nangyari sa simbahan at maraming mga bahay ang nasira doon at sa ibang mga parokya sa northern part sa Diocese ng Borongan,” ayon kay Bishop Varquez.
Bukod simbahan, marami ring mga bahay sa bayan ng Arteche ang labis na napinsala ng bagyo.
Tiniyak naman ni Bishop Varquez ang pakikiisa sa mamamayan na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na natatakot at nangangamba dulot ng kalamidad sa kanilang lalawigan.
Hinikayat din ng obispo ang bawat isa ay manatili ang pagtitiwala sa Panginoon na hindi tayo pababayaan.
“Tandaan po natin na sa gitna ng ating kahirapan hindi po tayo pinababayaan ng Panginoon, ‘yan po ang ating panghahawakan at tayo ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Ang taong may pananampalataya na habang tumitindi ang kapighatian ay lalung tumatatag ang kalooban sapagkat alam natin na hindi tayo pababayaan ng Panginoon,” ayon pa sa Obispo.
Nagpapalasamat naman ang obispo na bagama’t malawak ang pinsala ng bagyong ambo ay wala namang naitalang nasawi bagama’t may isang naiulat na sugatan.
Taong 2013, kabilang din ang Eastern Samar sa labis na naapektuhan ng bagyong Yolanda.
- Pamahalaan, pinasalamatan ng Obispo sa pagkilala sa Pari at relihiyoso bilang frontliners - Friday, April 16, 2021 1:00 pm
- Pagtutulungan ng mamamayan, kailangan upang mawakasan ang COVID-19 pandemic. - Friday, April 16, 2021 12:44 pm
- Arancel sa binyag, pamisa at kumpil, tuluyan ng inalis ng Archdiocese of Manila - Wednesday, April 7, 2021 3:15 pm
- E-Pray program, inilunsad ng Diocese of Novaliches - Tuesday, April 6, 2021 10:57 am
- Mamamayan, hinimok na makiisa sa Alay Kapwa program ng Simbahan - Monday, March 29, 2021 12:52 pm
- Fr. Bernas SJ, pumanaw na - Saturday, March 6, 2021 7:57 am
- Baptismal cathechism, bibigyang tuon ng Archdiocese of Manila - Monday, February 22, 2021 1:09 pm
- ‘Miyerkules ng Abo’, tanda ng pagpapakumbaba at pagtalikod sa kasalanan - Wednesday, February 17, 2021 2:36 pm
- ‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal - Saturday, February 13, 2021 1:16 pm
- Pananampalataya, ‘essential’ sa paggaling ng may karamdaman - Thursday, February 11, 2021 11:28 am