Cultural

Obispo ng Balanga, napiling pangulo ng ICMC-Asia Oceania

Nagpapasalamat at humingi ng patnubay si Balanga Bishop Ruperto Santos makaraang mahalal bilang miyembro ng International Catholic Migration Commission (ICMC).

Si Bishop Santos ang tatayo bilang pangulo ng ICMC Asia Oceania Working Group.

Si Bishop Santos ang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ay kasalukuyang nasa Roma na dumalo sa pagtitipon.

“It is recognition of dedication and commitment of our Philippine Catholic Church to the welfare and wellbeing of our migrants. Our Church through the years is silently and selflessly working for pastoral and spiritual advancements, serving them through protecting and promoting their rights and dignity,” ayon sa ipinadalang mensahe sa Radio Veritas ni Bishop Santos.

Inihayag ni Bishop Santos na ang pagkakapili sa kanya ay isang pagkilala ng international community sa mga ginagawang hakbang ng simbahan sa Pilipinas sa pangangalaga sa ating mga kababayang migrante.

Naniniwala din ang obispo na malaki ang maitutulong nito sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) at iba pang mga migrante para sa pagtatanggol sa kanilang karapatan habang malayo sa sariling bayan at ang paggabay sa mga ito sa pamamagitan ng mga chaplains sa iba’t ibang bansa.

Sa tala, umaabot sa 10 milyon ang mga Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.

“The international community, especially the ICMC acknowledges that our Church walks and works with migrants, and we are their trusted and dependent partners to-welcome and to work for the good of migrants and refugees; to protect them and to promote their wellbeing; and to assist them for a safe, decent work and life,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Pope Francis sa mga dumalong miyembro ng ICMC sa kanilang pagtulong sa mga migrants at refugees na nangangailangan.

Sa mensahe ni Pope Francis sinabi nitong higit sa kasalukuyang panahon na tulad ng pangyayari sa nakaraan ay mahalagang itaguyod, bigyang pagpapahalaga at ipagtanggol ang mga inaapi, inuusig na siyang mahalagang misyon ng simbahan.

Umaabot sa 65 milyong migrante sa buong mundo na sapilitang lumikas sa kani-kanilang bansa dulot ng kahirapan, karahasan at digmaan.