Sa katatapos na 2021 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pamamagitan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO) sa National Telecommunications Commission (NTC) ang FOI Champion Award sa Agencies, Bureaus, Councils and Commissions sa National Government Agency (NGA) category.

Dinaig ng NTC ang pitong (7) agency nominees para sa FOI Champion mula sa186 NGAs na nasa eFOI portal.

Sa tatlong (3) sunod na taon, kinilala ang NTC bilang consistent Top Performing Agency sa FOI Program Implementation maging ang kanilang FOI Officer ay consistently awarded.

Ngayong taon, isang Plaque of Appreciation ang muling iginawad sa NTC bilang isa sa Top Requested and Performing Agencies na may 1000 above requests at mayroong 90% closed transactions sa eFOI portal.

Ipinagkaloob din kay NTC FOI Officer Ms. Divina N. Daquioag ang Special Citation Award, FOI Program Director’s Award at Grace Under Pressure Award sa pagiging isa sa pitong Best FOI Officers mula sa 4,322 FOI Officers na itinalaga sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Tumanggap ng award mula kay PCOO Undersecretary Kristian R. Ablan sina Ms. Divina N. Daquioag, NTC FOI Officer II, Atty. Ricardo Casimiro, ng NTC Region 9, Atty. Alan Felix Macaraya, Jr. ng NTC Region 7, Engr. Nelson C. Daquioag, OIC Director ng NTC Region 2, Ms. Sophia Lynn Lumantod, OIC Director ng NTC Region 7.

Inihayag naman ni NTC Commissioner Cordoba na patuloy na isusulong ng ahensiya ang transparency at mabilis at maasahang serbisyo.

Pinasalamatan ni Cordoba ang lahat ng NTC Branch at Regional Directors, at FOI Officers sa buong bansa sa pagtalima sa isinusulong na programa ng FOI.

PinapurIhan din nito ang Regulation Branch ng NTC sa pagiging top requested branch na matagumpay na nakasunod sa lahat ng requested information.

Idinagdgag ni Cordoba na patuloy na susuportahan ng NTC ang pagpasa sa FOI Bill na kasalukuyang nakabinbin sa Kongreso.