Cultural

No to Divorce!

Ito ang paninindigan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commisison on Family and Life (CBCP-ECFL) sa isinagawang Episcopal Commission on Family and Life National Conference.

Sa pahayag na nilagdaan ni CBCP-ECFL Chairman Lipa Archbishop Gilbert Garcera, matibay at malinaw na nilamaman ng Saligang Batas- ang pagkikilala sa kasal bilang pundasyon ng lipunan na dapat pangalagaan ng estado.

“I promise to be faithful to you, in good times and in bad, in sickness and in health, to love and to honor you all the days of my life”. This Matrimonial Covenant is promised by married people before God and before each and every one of us. This marriage our Constitution recognizes “as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State”. In fact, our Constitution was once touted as the first pro-family constitution in the world,” bahagi ng pahayag ng CBCP-ECFL.

Iginiit din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tahanan na binubuo ng isang buong mag-anak lalu’t pangunahing apektado ng paghihiwalay ng mga mag-asawa ay ang mga bata.

“The dignity of women and men require all these. Because of all of these, Christ the Lord raised Marriage to the dignity of a Sacrament. Let not Congress lay waste these victories with a divorce bill,” ayon pa sa pahayag.

Tiniyak din ng simbahan ang patuloy na pagtulong sa mga mag-asawa para sa pagpapabuti ng kanilang relasyon at hindi dapat sayangin ng nakaambang divorce bill sa kongreso ang kahalagahan ng kasal ng bawat Filipino.

Hinimok din ni Archbishop Garcera ang mga obispo ng mga diyosesis at arkidiyosesis na basahin ang ‘Pastoral Statement’ ngayong ikalawawang-Linggo ng Kuwaresma sa bawat misa sa kanilang lugar.

Ang Episcopal Commission on Family and Life National Conference ay ginanap noong February 21 -24, 2018 na ginanap sa Archdiocese ng Lipa Batangas at dinaluhan ng mga kinatawan ng family ministry sa 86 na diyosesis at arkdiyosesis sa buong bansa.

Sa kasalukuyan ay tatalakayin na sa plenaryo ang pinag-isang divorce bill makaraan itong aprubahan sa House Committee on Population and Family Relations.