220 total views
Nanatili ang posisyon ng simbahan na hindi pagsang-ayon sa parusang kamatayan.
Ito ang pahayag ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa ika-6 na araw ng Lakbay-Buhay caravan na layung imulat ang buong bansa para tutulan ang isinusulong sa kongreso na muling ibalik sa bansa ang parusahang kamatayan.
Ngayong araw, inaasahang patungong Sorsogon ang Lakbay-Buhay caravan, kasama ang iba’t ibang grupo na nagsusulong laban sa death penalty.
Read:
21 araw na Lakbay-Buhay pilgrimage, suportado ng multi-sectoral group
Lakbay Buhay: pagmumulat, pagbibigkis sa mga Filipino laban sa death penalty
Sinabi ng Obispo, hindi magbabago ang paninindigan ng simbahan-ang doktrina sa kahalagahan ng buhay na tanging ang Diyos ang nagbigay at tanging ang Diyos din ang nag-iisang may karapatan na bawiin ang biyayang ito.
“Nothing else but the message of the Holy Church, that life is the greatest gift from God who gives life only God alone. If life alone given by God, nobody else has the right, no human beigns has the authority to take away life as we have no power at all to give life. We are only cooperating with God’s act of creation. That is why from the very beginning from the conception until the very end. The life of human being is under God,” ayon kay Bishop Bastes.
Paliwanag pa ni Bishop Bastes: “After a long period of reflection of the church, despite the so called death penalty allowed in the past ages. The church dogma, an understanding of the sacredness of life has groomed in such a way that after having been enlightened by the Holy Spirit to the guidance of the magisterium. The church is now teaching that no authority on earth has the power to take away life.”
Nagagalak din ang Obispo na ngayong taon kasabay nang pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay, ipagdiriwang naman ng simbahan ang ika-100 taon ng Aparisyon ng Fatima at kinikilalang Ina ng Buhay na pangunahing nangangalaga sa buhay.
Taong 1987 nang tanggalin ang death penalty, naibalik noong 1983, habang nagkaroon ng moratorium sa administrasyong Estrada noong 200 at tuluyan nang isinantabi noong 2006 sa ilalim ng panunungkulan ni dating pangulong Gloria Arroyo.
Sa kasalukuyan ayon sa Amnesty International, 141 bansa ang wala nang umiiral na batas o hindi na nagpapataw ng parusang bitay.