Kinundina ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) ang nagaganap na militarisasyon sa mga unibersidad sa bansa.
Ayon kay Rev. Fr. Angelito Cortez, OFM – Co-Executive Secretary ng AMRSP, maituturing na paglapastangan sa karapatang pangtao at kalayaan ang ginagawang militarisasyon sa mga unibersidad sa Pilipinas.
Inihayag ng Pari na bahagi ng mga karapatan at kalayaan ng mamamayan sa isang demokratikong bansa ang kalayaan sa pagkilos at pagpapahayag ng saloobin.
“Ito ay tuwirang paglapastangan sa karapatang pangtao lalong lalo na sa malayang pagkilos at paghahayag ng saloobin bilang isang mamamayan na kabilang sa isang bansang demokratiko.” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radio Veritas.
Pagbabahagi ni Fr. Cortez na siya ring bagong talagang Vice-Director ng Order of the Friars Minor (OFM) Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC) Office sa Roma na tulad ng mga relihiyoso at mga lingkod ng Simbahan ay may karapatan ang bawat unibersidad na pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.
Iginiit ng Pari na mahalagang mapanatili ng mga unibersidad ang karapatang mapangalagaan ang kalayaang akademiko ng mga mag-aaral upang matiyak na maging ligtas na lugar para sa malayang pagtatanong, pagsisiyasat at pagpapahayag ng saloobin.
“Katulad ng mga relihiyosong pinagbibintangan at pinaghihinalaan, ang mga estudyante at komunidad ng unibersidad ay may karapatang pangalagaan ang kanilang kalayaang akademiko dahil dito natin matitiyak na sila ay magkakaroon ng ligtas na lugar upang magtanong, magsiyasat at ipahayag ang kanilang mga saloobin at hinaing para sa bayan.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.
Kasunod ng naging unilateral termination sa kasunduan ng University of the Philippines at Department of National Defense ukol sa pagpasok ng militar at pulis sa mga campus ng UP ay ilang armadong sundalo na sakay ng military trucks ang namataan na pumasok sa UP Diliman ng walang koordinasyon sa pamunuan ng unibersidad.
Itinanggi naman ni Major Frank Sayson Commander ng 7th Civil Relations Group CRS-AFP ang sinasabing militarisasyon sa unibersidad.
Inihayag ni Sayson na bilang namumuno sa urban gardening projects, ang pagpasok ng mga sundalo ay naglalayon lamang na mabisita ang mga urban gardening projects sa anim na lugar sa loob at paligid ng UP Campus na nagsimula noong Marso.
Bukod sa bahagi ng Barangay UP Campus, pinasok din ng mga sundalo ang UP Arboretum, tree planting area at UP botanical garden.
- Obispo, umaasa sa patas na imbestigasyon sa naganap na PNP at PDEA misencounter - Thursday, March 4, 2021 12:16 pm
- Kuwaresma, panahon ng pagbabalik loob sa Panginoon - Wednesday, March 3, 2021 4:34 pm
- Kamay na bakal sa early campaigning ng mga kandidato, dapat ipatupad ng pamahalaan - Wednesday, March 3, 2021 1:38 pm
- Opisyal ng CBCP, nababahala sa tumataas na kaso ng Asian hate crime sa US - Monday, March 1, 2021 12:15 pm
- LGU ng Pasig, Pateros, at Taguig, pinuri ng Obispo - Saturday, February 27, 2021 4:49 pm
- Pagkilala kay Mayor Sotto bilang International Anti-Corruption champion, hamon sa mga pulitiko sa Pilipinas - Friday, February 26, 2021 3:13 pm
- Exercise prudence, payo ng Military Ordinariate of the Philippines sa PNP at PDEA - Friday, February 26, 2021 11:04 am
- May hangganan ang pang-aabuso sa kapangyarihan, mensahe ng EDSA revolution - Friday, February 26, 2021 9:53 am
- [email protected], mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas - Thursday, February 25, 2021 2:16 pm
- Iwaksi ang katiwalian, patuloy na mensahe ng EDSA People Power - Thursday, February 25, 2021 12:38 pm