Cultural

Mga pagpapatotoo ng mga Deboto ni Santo Padre Pio sa pagbisita ng ‘Incorrupt Heart’ sa Manila Cathedral

Puno ng kasiyahan ang mga mananampalataya at deboto ni Santo Padre Pio nang masilayan ang hindi naaagnas na puso ng Santo.

Ibinahagi ng ilang deboto ang mga karanasan ng kanilang buhay na natulungan sa pamamagitan ni Padre Pio sa pananalangin sa ating Panginoon.

Karamihan sa mga debotong pumila ay may karamdaman, na sa tulong ng mga panalangin ng Santo ay pinagaling ng Panginoon.

Pagsasalawaran ng iba, si Padre Pio ay nilikha ng Diyos sa kabanalan at naging mabuting halimbawa ng bawat mananampalataya na mapalalim pa ang pananalig sa Diyos.

Milagros Po, Cancer Survivor
“Lalong tumibay ang paniniwala ko sa Diyos dahil kay Padre Pio. I have so much faith in God dahil naka-survive ako sa cancer, 23 years na akong survivor ng cancer. It really makes me feel so good nung makita ko ang puso ni Padre Pio.”

Edith Lat, Cancer Survivor
“I feel so blessed, I’m a cancer survivor. I can feel him (Padre Pio) na prayer works. I thank him for the prayers because I know Padre Pio helps me to pray to God.”

Nemesia Fernando,Bulacan
“Napakabanal ni Padre Pio, sisikapin kung sundan yung kaniyang pamumuhay bilang kabanalan. Si Padre Pio ay ginawa ng Diyos bilang modelo, isang paraan para mapalalim ang pananampalataya ng mga tao. Sa tulong ng mga panalangin ni Padre Pio, granted ang prayer ko sa Panginoon.”

Yolanda Cabillan,Bulacan
“I always ask Padre Pio to pray for me to Jesus na tulungan ako sa aking pag-iisa at mapagaling ang aking mga sakit. I feel the Holy Spirit nung mahawakan at makita ko ang relic ni Padre Pio.”

Ayon sa pamunuan ng Manila Cathedral batay na rin sa Intramuros Administration na tinatayang mahigit 100,000 mga deboto ang dumalaw sa ‘incorrupt heart’ ni Padre Pio sa dawalang araw na public veneration na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Intramuros Manila.

Pinaalalahanan din ng Simbahang Katolika ang mananampalataya na ang mga Santo ay magsisilbing paalala sa bawat isa sa masidhing pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga sakripisyo at gawain noong nabubuhay ito sa mundo.

Simula October 11- 13 mananatili ang relikya sa Cebu Metropolitan Cathedral at magtutungo rin sa Davao Cathedral simula October 14-16.

October 17, dadalhin ito sa Lipa Cathedral at babalik sa Padre Pio Shrine sa October 18-26 kung saan isasagawa ang ‘send off mass’ para naman sa pag-uwi ng relikya sa Italya.