July 3, 2020-11:10am
Patuloy na ginagampanan ng simbahan ang paglilingkod sa sambayanan dahil sa krisis na dulot ng pandemya.
Ayon kay Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio-vice chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC), hindi lamang sa pagbibigay ng tulong sa pagkain at kabuhayan kundi maging sa mental health care.
Sa kasalukuyan ayon sa obispo ay nakikipagtulungan ang health ministry ng simbahan sa iba’t ibang lalawigan at lungsod para bigyang tugon ang epekto ng pandemya lalu na sa kaisipan ng bawat indibidwal kabilang na ang depresyon.
“And ngayon mayroon din kaming networking sa malalaking cities because hindi lang ang problema ay sa pagkain, hindi lang sa trabaho, kundi sa mental health care ng mga tao din, and the depression they have, sa nangyayari ngayon,” ayon kay Bishop Florencio.
Paalala pa ni Bishop Florencio, hindi dapat ipagwalang bahala ang kaakibat na suliranin ng pandemya na labis ng nakakaapekto lalu na sa ating kalusugan at ekonomiya.
“Pero ang importante dito ay mayroon tayong gagawin. We have to do something. Kaya sinasabi ko palagi na, “Tao ang gawa, nasa Diyos ang Awa,” dagdag pa ng obispo.
Giit ng obispo ang mahalaga ay may dapat gawin ang pamahalaan, simbahan at mamamayan upang malagpasan ang krisis na kinakaharap ng lipunan na dulot ng novel coronavirus.
Sa Diocese ng Kalookan, inilunsad naman ang HopeLine para sa mga nangangailangan ng payo at makikinig sa kanilang pinagdaraanan.
- Baptismal cathechism, bibigyang tuon ng Archdiocese of Manila - Monday, February 22, 2021 1:09 pm
- ‘Miyerkules ng Abo’, tanda ng pagpapakumbaba at pagtalikod sa kasalanan - Wednesday, February 17, 2021 2:36 pm
- ‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal - Saturday, February 13, 2021 1:16 pm
- Pananampalataya, ‘essential’ sa paggaling ng may karamdaman - Thursday, February 11, 2021 11:28 am
- Pagpapabakuna laban sa Covid-19, kailangan nang matapos ang ‘community quarantines’ - Friday, February 5, 2021 1:31 pm
- Pagdiriwang ng ‘Grandparents Day’, itinakda ng Santo Papa - Monday, February 1, 2021 8:38 am
- Lifelong commitment at hindi gastusin ang dahilan ng mababang nagpapakasal sa simbahan - Wednesday, January 27, 2021 12:12 pm
- Mamamayan, inaanyayahan sa online bible festival - Friday, January 22, 2021 2:23 pm
- Taumbayan, tutol sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 2:19 pm
- Term extension, motibo ng Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 1:21 pm