Latest News

Media, binigyang pagkilala ni Pope Francis

April 2, 2020-9:30am

Binigyang pagkilala ng Santo Papa Francisco ang mga mamahayag na naglilingkod sa kabila ng banta ng novel coronavirus.

Ayon kay Pope Francis sa pamamagitan ng media ay patuloy ang pagbabahagi ng impormasyon, pagbibigay ng kaalaman at pagbibigay ng aliw sa mamamayan.

Giit ng Santo Papa ito ay mahalaga lalu’t sa panahon na ang lahat ay nanatili sa loob ng kanilang tahanan dulot ng community quarantine.

“For all who work in the media, who work to communicate, so that people are not so isolated; for the education of children, to help us to bear this time of isolation,” mensahe ng Santo Papa Francisco sa misang ginanap sa Casa Santa Marta sa Vatican.

Una na ring nagpahatid ng kanyang pasasalamat ang Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Tagle-Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples’ sa church media ang Radyo Veritas at TV Maria at church media.

Sa bahagi naman ni Boac Bishop Antonio Maralit Jr.-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Communications (CBCP-ECSC) na sa ganitong pagkakataon na walang pampublikong misa ay malaki ang tungkuling nakaatang sa Social Communications Ministy ng bawat parokya na silang naghahatid ng mabuting balita sa sambayanan sa pamamagitan ng live streaming at iba pang media platforms.