Cultural

Matapos ang halalan, magkaisa sa “nation building”

Patuloy na magkaisa para sa pag-unlad ng bayan.

Ito ang panawagan ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc sa pagtatapos ng araw ng halalan o 2019 midterm elections sa bansa.

Ayon sa Obispo, anuman ang maging resulta ng halalan ay kinakailangan ng bawat isa na magtulungan para sa ikabubuti ng bayan.

Whatever the result of the election, we have to prepare for engagement for nation-building,” ayon kay Bishop Dimoc.

Tiwala ang Obispo na ginampanan ng mga botante lalu ng mga kabataan ang kanilang tungkulin bilang mamamayan sa pamamagitan ng pagboto dahil malaking bahagi sa 60 milyong registered voters ay mula sa kanilang hanay.

This year is Year of the Youth. We will know how they voted for their future. There are more than 10 million voters aged 18-24 and 23 million voters aged 25-39. Their number can be a game changer in our Philippine society,” ayon pa sa Obispo.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika ang Year of the Youth na may temang Filipino Youth in Mission: Beloved, Gifted, Empowered kung saan hinihimok ng simbahan ang kabataan na aktibong makilahok sa mga gawaing ng simbahan at lipunan lalu na sa pagpapalaganap ng misyon ng Panginoon.

Ayon naman kay Fr. Cunegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, ang pakikilahok sa halalan ay isa sa tungkulin ng mamamayan para sa malaya at matalinong pagpili ng mga kandidatong mamumuno sa bansa.

At ang pakikilahok ng kabataan sa halalang ito ay isang pagpapakita na sila ang kasalukuyan at ang kinabukasan ng bayan lalu na sa pagbabago ng political system.