Binigyang diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na makabuluhan ang pagdiriwang ng pasko ngayong taon sapagkat tulad ito noong panahong isinilang si Hesus.
Paliwanag ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Episcopal Commission on Pontificio Colegio Filipino ng CBCP, dahil sa corona virus pandemic, naibalik sa payak na pagdiriwang ang pasko ngayong taon taliwas sa nakaugaliang marangyang pagdiriwang.
“With this year Christmas, we are going back to first Christmas-solemn and sacred. As it was devoid of sensationalism and commercialism,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Nagagalak ang obispo na ang buong pamayanan ay nakatuon sa pamilya at umaasang maging huwaran ang banal na pamilya nina Hesus, Maria at Jose.
Ayon naman kay San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, ng CBCP Clergy Ministry, dapat alalahanin ng mananampalataya na sa gitna ng mga pagsubok at unos na dulot ng krisis pangkalusugan ay hindi pinababayaan ng Panginoon ang sangkatauhan.
“Sa gitna ng hamong ito [ng COVID-19] ay nariyan ang Diyos naging tao upang gabayan tayo na huwag magpapadala sa tukso na maging makasarili, sa halip ay magkaisa upang sama-samang mapagtagumpayan ang kahirapang ito sa tulong at awa ng Diyos,” pahayag ni Bishop Famadico sa himpilan.
Dagdag pa ng opisyal ng clergy ministry na habang patuloy ang paghahanap ng lunas sa nakahahawang sakit ay pag-ibayuhin ng mamamayan ang pagdadamayan, pag-iingat at higit sa lahat ang pagbabahaginan sa higit nangangailangan.
Samantala sinabi ni Batanes Bishop Danilo Ulep na ang pagpapakatao ni Hesus at pakikipamuhay sa sanlibutan ay patunay na na hindi nito pinababayaan ang sangkatuhan lalo na sa panahon ng kahirapan.
“In the midst of challenges and trials that we are going through, may the loving and abiding presence of God inspire us always because He will certainly be there for us especially during the most difficult and trying moments in our lives,” saad ni Bishop Ulep.
Patuloy hinimok ng simbahan ang mananampalataya na ipagkatiwala sa Diyos ang anumang pagsubok na kinakaharap at buogn pusong tanggapin si Hesus na isinilang para sa kaligtasan ng sanlibutan.
- Simbahan, nanawagan sa taumbayan na suportahan ang Alay Kapwa program - Saturday, February 27, 2021 10:46 am
- Pamunuan ng Quiapo church, binati ng opisyal ng Vatican - Friday, February 26, 2021 8:49 am
- Isakatuparan ang diwa ng pagkakaisa ng EDSA - Thursday, February 25, 2021 2:05 pm
- Quiapo church media, kabilang sa top influencer media channel - Wednesday, February 24, 2021 12:17 pm
- Cardinal Tagle, itinalagang administrator of the Patrimony of the Apostolic See ni Pope Francis - Tuesday, February 23, 2021 11:19 am
- Papal Nuncio, pinangunahan ang pagtatalaga ng simbahan kay St.John Paul II sa Bataan - Monday, February 22, 2021 12:09 pm
- Paglapastangan sa imahe ng mga banal sa Prelatura ng Isabela de Basilan, kinundena ng Claretian Missionaries - Monday, February 22, 2021 8:51 am
- Archdiocese of Cebu, humiling ng panalangin sa agarang paggaling ni Archbishop Palma sa COVID-19 - Friday, February 19, 2021 11:52 am
- Mananampalataya, inaanyayahan sa Walk for Life 2021 - Thursday, February 18, 2021 2:32 pm
- DAR, itinuturing ang mga magsasaka na makabagong bayani - Thursday, February 18, 2021 1:21 pm