Handa ang Manila Cathedral na tumulong sa mga nakatakdang ikasal ngayong Enero at Pebrero sa mga simbahan sa Batangas at Cavite.
Sa social media post ng The Manila Cathedral, inanyayahan nito ang mga naka-schedule na ikakasal na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling hindi maaring magamit ang simbahan na pagpapakasalan.
“Due to a number of calls and inquiries we are receiving regarding transfer of weddings affected by the Taal Volcano eruption in Batangas and Cavite areas to the Manila Cathedral, we are now opening slots and extending assistance for weddings scheduled this January and February 2020.”
Ito ay upang matulungan sa mga prosesong gagawin at agad na maisaayos ang mga dapat gawin at ang schedule ng pagdiriwang ng kanilang pag-iisang dibdib.
Sa kasalukuyan, malaking bahagi ng Cavite at Batangas ang naapektuhan sa pagbuga ng abo ng bulkang Taal.
Una na ring nagbukas ang mga simbahan sa Cavite at Batangas maging ang ilan pang institusyon ng simbahang katoliko upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga lumilikas na residente.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang tanggapan ng Manila Cathedral mula Martes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Bukas din ito ng Linggo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali o tumawag sa telephone number 8527-3093.
- ‘Online Bible Festival’, gaganapin sa Bible Month-ECBA - Tuesday, January 19, 2021 2:46 pm
- Nova Villa, ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng Vatican - Friday, January 15, 2021 11:21 am
- Virtual masses, isasagawa para sa pista ng Santo Niño sa Cebu - Thursday, January 14, 2021 2:10 pm
- Pamahalaan at simbahan, magkatuwang sa pagsusulong ng urban gardening - Wednesday, January 13, 2021 11:47 am
- Bishop Pabillo, pinasalamatan ang mga deboto ng Poong Hesus Nazareno - Sunday, January 10, 2021 1:48 pm
- Babangon tayo sa tulong ng Nazareno - Thursday, January 7, 2021 9:27 am
- Hindi tayo pababayaan ng Poong Hesus Nazareno - Wednesday, January 6, 2021 9:57 am
- Deboto ng Poong Hesus Nazareno, hinimok na gunitain sa bahay ang kapistahan ng Poon - Tuesday, January 5, 2021 11:01 am
- Quiapo Church, nanawagan sa mga deboto na makiisa sa “localized traslacion” ng Poong Hesus Nazareno - Monday, January 4, 2021 2:46 pm
- 2021, mapagtatagumpayan sa grasya ng Panginoon at intercession ni blessed virgin Mary - Monday, January 4, 2021 10:57 am