June 15, 2020, 2:17PM
Tiniyak ng social arm ng Archdiocese of Manila na nakahanda itong tumulong sa pagbibigay ng kabuhayan sa mamamayan lalo na ang mga higit apektado ng krisis na dulot ng pandemya.
Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila mahalagang maturuan ang mamamayan na magkaroon ng pangmatagalang kabuhayan upang hindi umaasa sa mga ayuda na ibinibigay partikular na sa panahon ng kagipitan.
“Ang Caritas [Manila] ay handang pumasok sa livelihood program sapagkat ito lang ang daan para maging sustainable ang buhay ng isang pamilya na hindi lang umaasa sa abuloy sa gobyerno o simbahan at makatatayo sa sariling paa,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.
Inihayag ng Pari na makipag-ugnayan ang Caritas Manila sa mga parokya at diyosesis upang matukoy ang mga benepisyaryong tutulungang makahanap ng trabaho o mabigyan ng puhunan upang magkaroon ng regular na pagkukunan ng kita na itutustos sa pangangailangan ng pamilya.
Ang mensahe ng pari ay kasabay ng pamamahagi ng manna food bags sa mahigit isandaang pamilya sa Longos Malabon na sakop ng Santa Clara ng Assisi Parish nitong nakalipas na Linggo ika-14 ng Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo o Corpus Christi.
Sinabi ni Father Pascual na magandang pagkakataon ang pamamahagi ng tulong na mga pagkain sa mga benepisyaryo lalo’t ipinagdiriwang sa Corpus Christi ang pagkain na magpapalakas sa kaluluwa at espiritwalidad ng tao.
“Sa diwa ng Corpus Christi tayo naman ay nagbibigay ayuda sa mga mahihirap upang madama nila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain kasi ang Eukaristiya pagkain sa kaluluwa ‘yan,” dagdag pa ng pari.
Batay sa ulat ng Caritas Manila umabot na sa halos walong milyong indibidwal ang napagkalooban ng tulong na food bags, ligtas COVID-19 kit at mga gift certificate sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor at organisasyon.
Hiniling ni Fr. Pascual sa mamamayan ang patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa ang tunay na sinasagisag ng Banal na Eukaristiya at ang mensaheng hatid ni Hesukristo sa kanyang muling pagkabuhay.
- LGU ng Pasig, Pateros, at Taguig, pinuri ng Obispo - Saturday, February 27, 2021 4:49 pm
- Pagkilala kay Mayor Sotto bilang International Anti-Corruption champion, hamon sa mga pulitiko sa Pilipinas - Friday, February 26, 2021 3:13 pm
- Exercise prudence, payo ng Military Ordinariate of the Philippines sa PNP at PDEA - Friday, February 26, 2021 11:04 am
- May hangganan ang pang-aabuso sa kapangyarihan, mensahe ng EDSA revolution - Friday, February 26, 2021 9:53 am
- [email protected], mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas - Thursday, February 25, 2021 2:16 pm
- Iwaksi ang katiwalian, patuloy na mensahe ng EDSA People Power - Thursday, February 25, 2021 12:38 pm
- Income inequality, nararanasan pa rin sa Pilipinas 35-taon makalipas ang EDSA People Power revolution - Monday, February 22, 2021 10:35 am
- Mamamayan sa Taal volcano, pinayuhang patatagin ang pananampalataya sa Panginoon - Friday, February 19, 2021 3:10 pm
- Samahan sa Hesus patungo sa Herusalem, paanyaya ni Cardinal Tagle ngayong Kuwaresma - Friday, February 19, 2021 11:41 am
- Paglapastangan sa 2-kapilya sa Prelatura ng Isabela de Basilan, kinundina - Thursday, February 18, 2021 1:50 pm