Hinihikayat ng Diocese of Kidapawan ang mga mananampalataya na maagang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago ang Araw ng mga Patay.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines, alinsunod sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay naglabas siya ng isang circular na nag-aatas ng mga karagdagang misa para sa mga kaluluwa sa lahat ng Simbahan sa a-uno at a-dos ng Nobyembre.
Inihayag ng Obispo na maaari ring makibahagi ang mga mananamapalataya sa gagawing banal na liturhiya sa pamamagitan ng pagsubaybay sa live streaming ng iba’t-ibang Simbahan.
“The province of Cotabato where Kidapawan Diocese is located has issued No visits on November 1 & 2 in all cemeteries. Our local church has sent circular encouraging all faithful to make their visits to the cemeteries October 1 – 31 and additional masses for the departed souls are scheduled in all churches on November 1 & 2. Live stream masses are also scheduled on November 1 & 2.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radio Veritas.
Umaasa at ipinagdarasal ni Bishop Bagaforo na maisasabuhay ng bawat isa ang pag-alay ng panalangin sa ikapayapa ng kaluluwa ng mga mahal sa buhay sa kabila ng ipinapatupad na mga limitasyon dahil sa pag-iingat sa COVID-19.
“Included in our circular is our panawagan na mag-alay ng pamisa para sa kanilang dear departed from October 1 – 31 in any of our masses in the parish churches.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Naunang hinimok ni Bishop Broderick Pabillo,Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila at Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang mananampalataya na pumunta sa mga simbahan at makiisa sa banal na misa sa November 1 at 2.
Read: https://www.veritas846.ph/mananampalataya-pinag-iingat-sa-nag-aalok-ng-fake-religious-services-at-rites/
Sa katuruan ng Simbahang Katolika iniaalay ang buong buwan ng Nobyembre upang ipanalangin ang kaluluwa sa purgatoryo bilang isang debosyon na nakapagbibigay indulhensya.
- Obispo, nagpaabot ng pakikiramay sa Jesuit community - Saturday, March 6, 2021 2:40 pm
- OFM-EAC, nanawagan sa Tatmadaw na igalang ang karapatang pantao at demokrasya sa Myanmar - Saturday, March 6, 2021 1:15 pm
- Simbahan, tutol na hatiin sa tatlong lalawigan ang Palawan - Friday, March 5, 2021 3:27 pm
- Kabataang Filipino, hinimok ng CBCP na magpatala sa voter’s registration - Friday, March 5, 2021 11:50 am
- Obispo, umaasa sa patas na imbestigasyon sa naganap na PNP at PDEA misencounter - Thursday, March 4, 2021 12:16 pm
- Kuwaresma, panahon ng pagbabalik loob sa Panginoon - Wednesday, March 3, 2021 4:34 pm
- Kamay na bakal sa early campaigning ng mga kandidato, dapat ipatupad ng pamahalaan - Wednesday, March 3, 2021 1:38 pm
- Opisyal ng CBCP, nababahala sa tumataas na kaso ng Asian hate crime sa US - Monday, March 1, 2021 12:15 pm
- LGU ng Pasig, Pateros, at Taguig, pinuri ng Obispo - Saturday, February 27, 2021 4:49 pm
- Pagkilala kay Mayor Sotto bilang International Anti-Corruption champion, hamon sa mga pulitiko sa Pilipinas - Friday, February 26, 2021 3:13 pm