Dapat maging mapagmatyag ang mamamayan sa muling pamimigay ng ayuda ng mga lokal na pamahalaan.

Ito ang paalala ng The Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services o IDEALS Inc sa publiko sa muling pamimigay ng ayuda ng LGU’s sa mga residente na naapektuhan ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Atty. Ansheline Bacudio, dapat bantayan ng publiko ang pamimigay ng ayuda upang maiwasan ang kurapsyon at posibleng paglabag sa karapatang pantao ng mga nararapat na makatanggap ng tulong.

Aminado si Atty. Bacudio na hindi maiaalis sa ating mga kababayan ang pagdududa dala na rin ng ilan sa kanilang mga karanasan magsimula pa ng ipinatupad ang mga quarantine measure sa bansa.

Paalala ni Atty. Bacudio, kung mayroon sapat na ebidensya ang isang indibidwal patungkol sa iregularidad na ginagawa ng kanilang mga tagapamuno sa Barangay o Lokal na Pamahalaan ay maari itong dumulog sa Ombudsman o magsampa ng kasong Administratibo.



“Be watchful kung sakaling makakita tayo ng paglabag ng karapatang pantao or corruptions maari tayong dumulog sa DILG kung sakali na ito ay Barangay sa local government sa portion ni Mayor then i-angat sa DILG, kung sakali naman na higher ranking pwede isumbong sa Ombudsman but of course we need to have a watchful eye kailangan may nakakakita may nakaka-observe may video’s active ang citizen sila ay nagbabantay sa mga ganitong iregularidad.”

Ipinaalala din ng IDEALS Inc. na ang bawat mamamayn ay may karapatang pantao na dapat igalang sa kabila ng pagpapatupad ng curfew at quarantine protocols.

Ayon kay Atty. Bacudio, sakaling masita ng mga Barangay officials o Pulis dahil sa paglabag ay dapat manatilng maging mahinahon at sumama ng matiwasay sa tanggapan ng Barangay o Pulisya.

“tandaan natin na lahat tayo ay mayroon karapatan pantao at hindi ito pwede ihiwalay sa atin alam ito ng mga Pulis na kapag tayo ay hinuli ma-assert natin yun ganitong mga karapatan natin hindi tayo pwede arestuhin ng walang sapat na basehan kung sakali na tayo ay arestuhin o tawagin sa police station o Barangay may karapatan tayo itanong kung ano ang dahilan ng pagpapapatawag sa atin ina-advice naming na wag tayo mag resist or mag panic o tanggihan bagkus maki-pagusap tayo ng maayos.”dagdag pa ng Abugado mula sa Ideals Inc.

Magugunitang ika-28 ng Marso ng muling ideklara ang ECQ sa National Capital Region at karatig lalawigan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID19.

Rowel Garcia

By Rowel Garcia

Rowel Garcia Disaster Coordinator