Hamon sa pagbabalik loob sa Panginoon ang paanyaya ng karanasan na dulot ng pandemic novel coronavirus. Ito ang mensahe ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad kaugnay sa pagsisimula Kuwaresma ang 40-araw na paghahanda sa pagpapakasakit ni Hesus.
Inihayag ng arsobispo ang karanasan sa pandemya at mga hamong kinakaharap ng tao ay paanyaya upang magbalik loob sa Panginoon. Paliwanag ng arsobispo na ang coronavirus pandemic ay pagkakataong makibahagi ang tao sa mga sakripisyo ni Hesukristo sa loob ng 40-araw.
“This pandemic is a calling for all of us to go nearer to the Lord; every pain and sorrow must be interpreted as an occasion for us to repent our sins,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.
Marso noong nakalipas na taon nang magpatupad ng community quarantine ang Pilipinas dahil sa coronavirus pandemic dahilan upang bumagsak ang ekonomiya at lumala ang suliranin ng kahirapan at kagutuman sa bansa. Subalit sinabi ni Archbishop Jumoad na sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus ay pinaalalahanan ang lahat na may hangganan ang pandemya sa tulong ng Panginoon.
“We must look forward to the joy of being freed from this pandemic,” ani Archbishop Jumoad. Hinikayat din ng arsobispo ang mamamayan na palaganapin sa lipunan ang diwa ng pagbibigayan lalo’t higit ang mga nagdurusa dulot ng pandemya.
Umaasa rin itong maisabuhay sa pamayanan ang pagkakaisa at pagtutulungan upang malampasan at maibsan ang kahirapan. Batay sa taya ng pamahalaan mahigit apat na milyong pamilya sa bansa ang nakaranas ng kahirapan dahil sa kawalan ng pagkakitaan dahil sa pandemya.
- 10th World Meeting of Families prayer, inilabas ng Vatican - Friday, April 23, 2021 10:11 am
- World leaders, hinimok ni Pope Francis na kumilos para sa kalikasan. - Friday, April 23, 2021 10:04 am
- Mamamayan, binalaan ni Cardinal Advincula sa kumakalat na pekeng solicitation letter - Thursday, April 22, 2021 10:46 am
- Apostolic Administrator ng Vicariate of Occidental Mindoro, humiling ng panalangin sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bishop Palang - Thursday, April 22, 2021 8:10 am
- SVD at Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro, nagluluksa sa pagpanaw ni Bishop Palang - Wednesday, April 21, 2021 5:12 pm
- OFW’s sa UAE, pinuri ng AVOSA - Wednesday, April 21, 2021 1:28 pm
- Obispo, dismayado sa profiling ng otoridad sa nagtatag ng community pantries - Tuesday, April 20, 2021 2:54 pm
- Kaparian sa Archdiocese of manila, hinikayat ni Bishop Pabillo na magtatag ng community pantry. - Monday, April 19, 2021 12:57 pm
- Pagdiriwang ng 500YOC, mahalagang pamana sa mga Filipino - Monday, April 19, 2021 11:00 am
- Vatican, nakikiisa sa Ramadan - Saturday, April 17, 2021 2:41 pm