May 28, 2020, 8:44AM
Ang pag-akyat sa langit ni Hesus ay hindi dapat na ituring na pag-abandona o pang-iiwan ng bugtong na anak ng Diyos sa sangkatauhan.
Ito ang pagninilay ni CBCP – Episcopal Commission on Youth Chairman Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Hesus at nakatakdang paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes na na hudyat ng pagtatapos ng Easter Season o Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.
Ayon sa Obispo, ang pag-akyat sa langit ni Hesus ay hindi pang-iiwan sa sangkatauhan sa halip ay pagbibigay ng lakas at katatagan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Banal na Espiritu upang magsilbing gabay ng bawat isa.
Ipinaliwanag ni Bishop Alarcon na ipinagkaloob ng Panginoon ang Banal na Espiritu bilang gabay sa katotohanan lalo na sa gitna ng maraming pagsubok at pangamba na nadarama ng bawat isa.
“Itong Ascension is Jesus parang goes up but He really doesn’t leave us in fact He empowers us and we must spread the Word, the Truth that God is with us, He is still the Emmanuel God with Us, He sent us the Spirit for assistance, the spirit of truth especially now that we have many questions but we pray that with the guidance of the spirit of truth who will draw us with the truth will help us understand and find meaning in all this difficulties, challenges, trials that we are facing…” pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radyo Veritas.
Umaasa naman ang Obispo na nawa ay magsilbing gabay rin ang Banal na Espiritu upang tulad ng nais ng mga kabataan ay mas maging totoo at bukas ang bawat isa sa tunay na mensaheng ipinapahatid ng Panginoon sa sangkatauhan.
Ipinagdarasal ni Bishop Alarcon na magsilbing daan ang Banal na Espiritu upang magkaroon ng mas malawak at malalim na pag-unawa ang bawat isa sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagkikipag-unayan upang magsilbing tagapaghatid ng pag-asa at pagbabago sa daigdig.
“Be authentic yan ang gusto ng mga kabataan that we be authentic, that we be sensitive to others and that we also act on God’s message it is not just listening but to act based on the message so that we may change perspective, widen understanding, bring people together to collaborate so that they can make a difference, so that they can be, may we bring hope to others…”pahayag ng Obispo
Ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Hesus ay ginunita isang linggo bago ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes na pagdiriwang sa pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostoles na ginugunita tuwing ikapitong Linggo makalipas ang Linggo ng Pagkabuhay.
- Pagbabakuna ng COVID-19, isang moral obligation - Monday, January 18, 2021 4:27 pm
- Christian unity, misyon ng isasagawang “Ecumenical Bible festival”. - Sunday, January 17, 2021 10:41 am
- Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops - Saturday, January 16, 2021 3:36 pm
- Obispo, duda sa isinusulong na CHA-CHA - Friday, January 15, 2021 2:03 pm
- Pallium mula sa Santo Papa, tinanggap ni Archbishop Baccay - Friday, January 15, 2021 10:43 am
- Pilipinong Pari, itinalaga sa Franciscan’s Justice and Peace sa Roma - Wednesday, January 13, 2021 12:27 pm
- Ituwid ang mali, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano - Monday, January 11, 2021 12:56 pm
- Archdiocese of Manila, nakikiusap sa mga deboto na huwag magsiksikan sa Quiapo church - Friday, January 8, 2021 11:18 am
- Obispo, nangangamba sa kaligtasan ng mga OFW sa Estados Unidos - Thursday, January 7, 2021 10:47 am
- Mamamayan, hinimok na ipanalangin ang “Change of heart” ng mga opisyal ng administrasyong Duterte - Monday, January 4, 2021 4:44 pm