Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na lumago bilang kristiyanong mamamayan ang bawat isa sa tulong ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Santo Papa sa lingguhang general audience sa Vatican kung saan nakatuon ang katesismo sa kalayaan ng tao mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan.

Paliwanag ni Pope Francis na sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo ay maisasabuhay ng tao ang mga kaloob na tinanggap sa sakramento ng binyag.

“In this month of October, through the intercession of Our Lady of the Rosary, may we grow in the Christian freedom that we received at baptism,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Binigyang diin ng punong pastol ng simbahan ang kahalagahan ng pagdarasal sa Santo Rosaryo sapagkat ito ay pagninilay sa buhay ni Hesus na makatutulong upang maunawaan ng mamamayan ang bawat sakripisyong kinakaharap sa araw-araw.

Sa pagdiriwang ng simbahan sa ika – 104 anibersaryo sa huling pagpapakita ng Mahal na Ina sa tatlong bata sa Fatima Portugal noong October 1917 nanatiling buhay at napapanahon ang mensahe nitong manalangin ng Santo Rosaryo para sa kapayapaan ng buong mundo.

Noong Abril 2020 pinangunahan ni Pope Francis ang ‘Healing Rosary’ upang hingin sa Diyos ang paggabay at paghilom ng daigdig sa banta ng coronavirus na sa kasalukuyan mahigit sa 200 milyong katao na sa mundo ang dinapuan ng karamdaman.

Sa Pilipinas ipinagpatuloy ang pagdarasal ng rosaryo para sa natatanging intensyong mawakasan.