Mariing kinundina ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang panibagong serye ng karahasang naganap laban sa ilang labor leaders sa CALABARZON noong ika-7 ng Marso na tinaguriang “Bloody Sunday”.

Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Rouquel Ponte, hindi katanggap-tanggap ang sinapit ng mga pinuno ng iba’t- ibang grupo ng mga manggagawa sa sinasabing lehitimong operasyon ng mga pulis at sundalo kung saan 9 ang nasawi.

Kaugnay nito, nanawagan si Ponte sa mamamayan na magkaisa sa pananawagan ng katarungan para sa sinapit ng mga labor leaders na hindi na nagkaroon ng pagkakataon na maipagtanggol ang sarili sa harapan ng hukuman.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas strongly condemns the killing of 9 labor leaders in the Calabarzon region last Sunday, March 7, 2021. The blood of these fellow Filipinos are literally crying for justice as they are wiped-off from the floor tiles of their homes. We call on our people to continue to stand for due process and the rights of all for a fair and just trial.”pahayag ni Ponte.

Umaapela rin si Ponte sa mga mambabatas at mga hukom na bigyang katarungan ang sinapit ng mga biktima at higit na pairalin ang batas na dapat na magsilbing gabay para sa mapayapa at maayos na pamumuhay ng bawat isa sa lipunan.

“We call on peace-loving Filipinos to make strong statements of condemnation against these brutal and organized atrocities. We call on our lawmakers and magistrates to do justice and show to the world that we are still ruled by laws and not by men.” Dagdag pa ni Ponte.

Naunang kinundena ng Caritas Philippines ang “bloody Sunday” killings sa CALABARZON.

Read: https://www.veritas846.ph/bloody-sunday-assualt-kinondena-ng-caritas-philippines/

Ika-pito ng Marso nang maglunsad ng operasyon ang mga pulis at sundalo laban sa mga pinaghihinalaang kasapi ng rebeldeng grupo sa CALABARZON Region na ikinasawi ng 9 na labor leaders.

Nanindigan naman si Lt. General Antonio Parlade ng Anti-Rebel Task Force na lehitimo ang operasyon na bahagi ng programang wakasan ang rebelyon sa bansa.