162 total views
Inilunsad ng Diocese of Bangued Abra, ang “Kakadua Program” o “Kasama Program” na inisyatibo ng Simbahan upang tugunan ang rehabilitasyon ng mga drug surrenderers.
Ayon kay Bangued Bishop Leopoldo Jaucian, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Youth, pinaiigting na ng mga Parish Pastoral Council sa kanilang diyosesis ang pakikipag – ugnayan sa mga local government units upang matulungan ang mga drug dependents.
Inihalimbawa rin nito ang inilunsad na community-based rehabilitation center sa Danglas, Abra kung saan ibinigay ang isang Biyernes sa isang buwan para makapagbigay ang Simbahan ng spiritual formation sa mga sumukong drug addicts at pushers.
“We already launched in our diocese the ‘Kakadua’ program an Ilocano term for ‘Kasama.’ Our parishes are in close collaboration with LGU’s to help surrenderees. For use the town of Danglas, Abra one Friday a month it’s a day for the church spiritual enrichment for surrenderees,” paliwanag ni Bishop Jaucian sa Radyo Veritas.
Maliban pa aniya sa spiritual enrichment ay nakapaloob rin sa kanilang programa ang physical, psychological at livelihood programs sa pakikipagtulungan ng municipal government ng Abra, pulis at iba pang mga sektor sa komunidad.
“The town calls them to the munisipyo every Friday may physical, psychological, and spiritual and livelihood programs. The Diocese of Bangued is in close partnership with LGUs, police and army. More of a community-based program with all sectors involved,” bahagi ng pahayag ni Bishop Jaucian sa panayam ng Veritas Patrol.
Samantala, bilang kalihim ng komisyon ng mga kabataan sa CBCP pinayuhan rin nito ang mga kabataan na sila ang madalas na nabibiktima ng ipinagbabawal na gamot na mas palalimin pa ang kanilang ugnayan sa kanilang pamilya at sa Diyos.
“Una stay close to the family, do not be afraid to open up and share any personal concern. Second, choose your friends and third, pray go to Jesus,” giit pa ni Bishop Jaucian sa Radyo Veritas.
Sa huling tala ng pulisya umaabot na 700 libo na ang mga drug users at pushers na sumuko na sa pamahalaan at nagnanais na makapag – bagong buhay.
Nauna na ring inilunsad ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry ang “Sanlakbay” na gagabay sa pagbabagong buhay ng mga drug dependents.