Nagkaisa ang mga Obispo ng Western Visayas region na binubuo ng Metropolitan See of Jaro at Metropolitan See of Capiz sa pagkondena ng karahasang sinapit ng mga katutubong Tumandok sa Tapaz, Capiz bago matapos ang taong 2020.
Sa liham pastoral na nilagdaan ng mga Obispo ng Western Visayas region, kinundena ng mga lider ng Simbahang Katolika ang naganap na joint operation ng Philippine Army at Philippine National Police VI noong ika-30 ng Disyembre na nagtungo sa Tapaz, Capiz at Calinog, Iloilo upang maghain ng 28 search warrants sa ilalim ng Synchronized Enhanced Management of Police Operation (SEMPO) kung saan 17 katutubong Tumandok ang naaresto habang 9 naman ang nasawi.
Ayon sa mga Obispo, kaisa ng mamamayan ang Simbahan sa pananawagan ng katarungan gayundin ang pagkundina sa karahasan nagaganap sa lipunan.
Ikinadismaya ng mga Obispo ang hindi matapos-tapos na karahasan sa bansa na nagsimula sa madugong implementasyon ng War on Drugs, red-tagging sa mga kritiko ng pamahalaan partikular na sa Negros Island at pagpaslang na nagaganap sa mga katutubo sa Panay Island dahil sa pagtutol ng mga ito sa pagtatayo ng Jalaur Mega Dam.
Bilang boses ng mga naisasantabi at napagmamalupitan sa lipunan ay umapela ang mga Obispo ng Metropolitan See of Jaro at Metropolitan See of Capiz na masusing imbestigahan ang naganap na insidente sa mga katutubong Tumandok gayundin ang muling pagsusuri sa planong pagpapatayo sa Jalaur Mega Dam.
Nanawagan rin ang mga Obispo laban sa militarization na nagaganap sa mga IP Communities.
Muli ring umapela ang mga Obispo sa pagsusuot ng body camera ng mga alagad ng batas sa mga operasyon hindi lamang bilang proteksyon ng mga mamamayan laban sa karahasan at pang-aabuso ng mga alagad ng batas kundi upang magsilbi ring patunay sa tunay na naganap sa kanilang isasagawang operasyon.
Hinikayat rin ng mga Obispo ang lahat na patuloy na manalangin at maging mapagmatyag upang maprotektahan ang kapwa mula sa pang-aabuso o karahasan sa lipunan.
Binubuo ang Metropolitan See of Jaro nina Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo, San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, Bacolod Bishop Patricio Abella Buzon, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Kabankalan Bishop Louie Galbines habang ang Metropolitan See of Capiz naman ay binubuo nina Kalibo Bishop Jose Tala-oc, Romblon Bishop Narciso Abellana at Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula
PASTORAL-LETTER-OF-WESTERN-VISAYAS-BISHOPS-ON-TUMANDOK-KILLINGS-1-1
- Obispo, umaasa sa patas na imbestigasyon sa naganap na PNP at PDEA misencounter - Thursday, March 4, 2021 12:16 pm
- Kuwaresma, panahon ng pagbabalik loob sa Panginoon - Wednesday, March 3, 2021 4:34 pm
- Kamay na bakal sa early campaigning ng mga kandidato, dapat ipatupad ng pamahalaan - Wednesday, March 3, 2021 1:38 pm
- Opisyal ng CBCP, nababahala sa tumataas na kaso ng Asian hate crime sa US - Monday, March 1, 2021 12:15 pm
- LGU ng Pasig, Pateros, at Taguig, pinuri ng Obispo - Saturday, February 27, 2021 4:49 pm
- Pagkilala kay Mayor Sotto bilang International Anti-Corruption champion, hamon sa mga pulitiko sa Pilipinas - Friday, February 26, 2021 3:13 pm
- Exercise prudence, payo ng Military Ordinariate of the Philippines sa PNP at PDEA - Friday, February 26, 2021 11:04 am
- May hangganan ang pang-aabuso sa kapangyarihan, mensahe ng EDSA revolution - Friday, February 26, 2021 9:53 am
- [email protected], mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas - Thursday, February 25, 2021 2:16 pm
- Iwaksi ang katiwalian, patuloy na mensahe ng EDSA People Power - Thursday, February 25, 2021 12:38 pm