Pangunahing isinasaalang-alang ng mga Filipino ang kaligtasan mula sa epektong dulot ng pagpapabakuna laban sa coronavirus disease.
Ito’y ayon sa huling pag-aaral na isinagawa ng Veritas Truth Survey sa may 1,200-respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng text at online data gathering noong January 4-22.
Batay sa resulta ng V-T-S, 67-porsiyento ng mamamayan ang mas isinasaalang-alang ang safety o kaligtasan sa epekto ng COVID-19 vaccine sa katawan ng tao, 17-porsiyento naman sa efficacy o bisa ng bakuna, habang walong porsiyento ang nais munang malaman ang country of manufacture o bansa kung saan ginawa ang gamot.
Lumabas din sa pag-aaral na nais din munang malaman ng anim na porsiyento ng mamamayan ang pagpapatotoo ng mga naunang nabakunahan at dalawang porsiyento naman sa layunin ng paggamit nito.
see:
Ayon kay Bro. Clifford Sorita, chief strategist ng VTS, kinakailangan muna ng pamahalaan na bigyan ng malinaw na impormasyon at paliwanag ang publiko upang makuha ang tiwala at maging matagumpay ang vaccination program laban sa COVID-19.
“To build trust and confidence in our vaccination efforts, government should provide the public with easily understandable scientifically based information and ensure everyone’s concerns are addressed easily and often,” ayon kay Sorita.
Binigyang-diin naman ni Fr. Anton CT. Pascual, pangulo ng Radio Veritas, ang kahalagahan ng Bio-ethics sa mga vaccination plan, gayundin ang dapat na pagsasaalang-alang sa mga mahihirap na higit na nangangailangan nito.
Inisyatibo ng Radio Veritas ang survey na layong malaman ang mga dahilan at isinasaalang-alang ng publiko sa bakuna laban sa COVID-19.
Sa mga pinuno sa buong mundo, kabilang sa mga naunang nagpabakuna laban sa virus sina US President Joe Biden, Queen Elizabeth at Prince Philip ng Britanya, at sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict the XVI.
- Cardinal Tagle, nanawagan ng ecological conversion at ecological justice - Thursday, March 4, 2021 9:57 am
- Pamahalaan, hinimok na ipatupad ang malawakang information drive sa COVID 19 vaccination - Wednesday, March 3, 2021 1:28 pm
- CBCP Health Care sa mga pulitiko, isantabi ang pamumulitika sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine - Tuesday, March 2, 2021 10:29 am
- PGH Chaplain, duda sa COVID 19 vaccine ng Sinovac - Monday, March 1, 2021 12:07 pm
- Diocese of Tandag, nagbabala sa kumakalat na text scam - Sunday, February 28, 2021 11:56 am
- COVID 19 vaccine webinar, pangungunahan ng CBCP - Saturday, February 27, 2021 2:47 pm
- Pamahalaan, hinamong paigtingin ang programang lulutas sa nararanasang kagutuman sa bansa - Saturday, February 27, 2021 9:03 am
- Pangangalaga sa may sakit, paanyaya nang paglapit sa Panginoon - Thursday, February 25, 2021 12:46 pm
- Pagmimina at illegal logging, sanhi ng ‘abnormal’ na pagbaha sa Surigao del Sur - Wednesday, February 24, 2021 12:45 pm
- Caritas Philippines, tiniyak ang tulong sa nasalanta ng bagyong Auring - Tuesday, February 23, 2021 1:25 pm