Kabataang Filipino, hinimok na magpatala sa voters registration
Naniniwala ang Catholic Educational Association of the Philippines National Capital Region (CEAP NCR) na mahalagang mabuksan ang kamalayan ng mga kabataan sa kapangyarihang bumoto ng bawat Filipino upang magluklok ng mga karapat-dapat na mga opisyal ng bayan.
Ayon kay Rev. Fr. Nolan A. Que – Regional Trustee ng CEAP NCR, dapat na mamulat ang mga kabataan sa mahalagang constitutional right ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas.
Ipinaliwanag ng Pari na dapat malaman ng mga kabataan na malaki ang kanilang maiiambag para sa pagkakaroon ng pagbabago at pag-unlad sa bayan sa pamamagitan ng pagboto ng mga karapat-dapat na mga opisyal.
Kabilang sa rekomendasyon ni Fr. Que ang pagtuturo sa mga Senior High School (SHS) students na magpatala bilang isang botante sa nagaganap na voter’s registration upang makaboto sa nakatakdang May 2022 National and Local Elections.
“I am reccomending that our Senior High School (SHS) students be taught how to register and vote for the May 2022 elections. Let us encourage our young brothers and sisters to take part on this important constitutional right that will make an impact to our nation and to the lives of every Filipino.” pahayag ni CEAP NCR Regional Trustee Rev. Fr. Nolan A. Que.
Pagbabahagi ng Pari, bilang isang Catholic organization ay naaangkop lamang na maging gabay ang mga Katolikong paaralan at institusyon sa paghuhubog ng mga kabataang may pakialam at pagmamalasakit sa bayan.
“As a Catholic organization, let us train our students to be more engaged in their social responsibilities and make their voices be heard on issues concerning the sanctity of life, the family, and the sacredness of the ballot.” Dagdag pa ni Fr. Que.
Nauna ng inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na sa 4,000,000 target na bagong botante ng komisyon ay tanging 1,117,528 pa lamang ang nakapagpapatala sa kasalukuyang voter’s registration kung saan tanging 117,011 pa lamang ang mga bagong botanteng nagpatala mula sa National Capital Region.(Reyn Letran)
Attached Fr. Nolan A. Que’s Letter of Recommendation:
- Pagkilala kay Mayor Sotto bilang International Anti-Corruption champion, hamon sa mga pulitiko sa Pilipinas - Friday, February 26, 2021 3:13 pm
- Exercise prudence, payo ng Military Ordinariate of the Philippines sa PNP at PDEA - Friday, February 26, 2021 11:04 am
- May hangganan ang pang-aabuso sa kapangyarihan, mensahe ng EDSA revolution - Friday, February 26, 2021 9:53 am
- [email protected], mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas - Thursday, February 25, 2021 2:16 pm
- Iwaksi ang katiwalian, patuloy na mensahe ng EDSA People Power - Thursday, February 25, 2021 12:38 pm
- Income inequality, nararanasan pa rin sa Pilipinas 35-taon makalipas ang EDSA People Power revolution - Monday, February 22, 2021 10:35 am
- Mamamayan sa Taal volcano, pinayuhang patatagin ang pananampalataya sa Panginoon - Friday, February 19, 2021 3:10 pm
- Samahan sa Hesus patungo sa Herusalem, paanyaya ni Cardinal Tagle ngayong Kuwaresma - Friday, February 19, 2021 11:41 am
- Paglapastangan sa 2-kapilya sa Prelatura ng Isabela de Basilan, kinundina - Thursday, February 18, 2021 1:50 pm
- Suriin ang sarili ngayong Kuwaresma, panawagan ng CBCP sa mga kabataan - Thursday, February 18, 2021 11:32 am