Tiyaking hindi nanunuyo ang mga mata na maaring maging dahilan ng ibayong karamdaman lalo na sa mga senior citizens!

Ito ang paalala ni Dr. Mario Reyes MD, isang Ophthalmologist at resource person sa programang Caritas in Action sa Radio Veritas 846.

Ayon kay Dr. Reyes, ang panunuyo ng mga mata o ang tinatawag na “Dry Eyes” ay isang kondisyon kung saan naapektuhan ang layers ng mata dahil sa labis na pagtutok sa mga computer screen, TV, cell phone o iba pang mga kagamitan na mayroong LED.

Sinabi ng doktor na pinaka naapektuhan nito ay ang mga may edad gayundin ng mga kabataan depende sa kondisyon ng kanilang kalusugan.

“meron tayong layers na tatlo sa ating mata meron tayong water layer, oil layer saka meron tayong mucid layer. parang nagiging envelope yan sa ating cornea sa ating buong mata para hindi natutuyo sa hangin ,araw o usok pero minsan kapag nagkaka-edad kapag na exposed sa ibang bagay-bagay nababawasan ang layer”.pahayag ni Reyes

Inihayag ng doktor na maari din itong maging sintomas ng iba pang kumplikasyon sa kalusugan gaya ng Diabetes, Heart problems at Kidney disease.

Ipinaalaka ni Dr. Reyes na ito ay madaling naaagapan at nagagamot sa pamamagitan ng mga nabibiling eye drops sa mga botika at base sa rekomendasyon ng doktor.

Si Dr. Mario Reyes MD ay isang Ophthalmologist na katuwang ng programang Caritas in Action, para sa nais magpa-konsulta maaring makipag-ugnayan sa kanyang numero na 0920 628 8697 o magpadala ng mensahe sa Facebook page na “Caritas in Action”.

Rowel Garcia

By Rowel Garcia

Rowel Garcia Disaster Coordinator