Cultural

Ituloy ang pakikipaglaban sa katarungan at paghahayag ng katotohanan

Ito ang inilabas na pahayag ng suporta ng Couples for Christ-Foundation for Family and Life bilang tugon sa kasong sedisyon na kinakaharap ng ilang lingkod ng simbahan.

“We encourage them to continue their courageous campaign in journeying with all Filipinos for truth and justice.” bahagi ng statement ng grupo

Iginiit ng CFC-FFL na ang pagsasalita ng katotohanan at pakikipaglaban para sa mga pangunahing karapatang pantao ng bawat pilipino, ay hindi sedisyon kundi pagtupad lamang sa misyon at turo ni Kristo.

“Sedition is conduct or speech inciting people to rebel against the authority of the state. Our bishops have done no such thing. If they speak about the injustices that are happening in Philippine life, they are simply doing their duty as pastors and looking out for the common good,” bahagi ng pahayag ng CFC-FFL.

Tiwala ang CFC-FFL na patuloy na ipaglaban ng mga lingkod ng simbahan ang matapang na kampanya at pakikilakbay sa mamamayan ng Pilipinas para sa katotohanan at katarungan.

Bahagi pa ng pahayag, “Speaking the truth, and fighting for the basic human rights of every Filipino, is not sedition. It is being faithful to the teachings of Christ and the Church. As such, we believe that the bishops are innocent of the charges against them, and we have complete faith in them.”

Kabilang sa higit 30 indibidwal na inaakusahan ng Philippine national police sina Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan; Bishops Honesto Ongtioco ng Cubao; Pablo Virgilio David ng Kalookan at CBCP-vice President at Bishop-emeritus Teodoro Bacani jr. ng Novaliches.

Una na ring nagpaalala ng kaniyang kabanalan Francisco sa mga lingkod ng simbahan na dapat nakahanda na sumusunod sa yapak ni Hesukristo at makaranas ng pang-uusig bilang mga tapat na tagasunod.

Ang CFC-FFL ay itinatag noong 1981 at kasalukuyang pinamumunuan ni Frank Padilla na binubuo ng mga mag-aasawang miyembro sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.