Cultural

Isyu ng Mental Health sa Bansa, Hindi dapat isawalang bahala

Ikinababahala na ng Simbahang Katolika ang dumaraming bilang ng mga tao sa Pilipinas na dumaranas ng iba’t-ibang klase ng isyu pagdating sa Mental Health.

Iginiit ni Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) Executive Secretary Father Dan Cancino na kailangang maagapang magamot ang Depresyon.

Ayon kay Father Cansino, kapag hindi naagapan at nabigyan ng Tamang lunas at Atensiyon ang Depresyon ay nagiging dahilan ito ng Suicide.

“Yung mga tao na gustong magpakamatay, hindi naman talaga nila gustong mamatay. Ito lang ang naiisip nilang paraan para mawala ang sakit na kanilang nararamdaman” pahayag ni Father Cancino sa Radio Veritas

Kaugnay nito, hinihimok ng Simbahan ang mamamayan na nakararanas ng Depresyon at iba pang Mental Health problem na mas maging bukas sa pakikipag-usap sa kanilang pamilya, kaibigan at higit sa lahat manampalataya sa Diyos.

Iginiit ng Pari na sa pamamagitan ng pananampalataya ay nabibigyan agad ang bawat isa ng walang hanggang pag-asa.

Samantala, isinusulong naman ni Senator Risa Hontiveros ang pagkakaroon ng mga Serbisyo at mga Programa na nakalaan sa pagbababuti at pagtugon sa Mental Health ng mamamayan.

Nabatid mula sa datos ng Department of Health na mula taong 2016 ay umaabot na sa 2,413 ang kaso ng suicide sa bansa.