Ibinahagi ng Obispo ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental ang paraan ng paggunita ng diyosesis sa Holy Rosary Month o Buwan ng Rosaryo na ginugunita tuwing buwan ng Oktubre.
Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, naging kaugalian na ng mga mananampalataya sa diyosesis ang pagsasagawa ng Aurora na nangangahulugan ng pagbubukang liwayway.
Sinabi ng Obispo na tuwing buwan ng Oktubre ay ipino-prosisyon ng mga mananampalataya ang imahen ng Our Lady of the Holy Rosary mula sa St. Charles Borromeo Cathedral Parish patungo sa iba’t ibang parokya.
Ibinahagi ng Obispo na layunin ng naturang gawain na mahimok ang mamamayan na mas maging aktibo sa Basic Ecclesial Community sa loob ng isang buong buwan o 30-araw.
“Sa San Carlos sa amin sa Cathedral Parish and it’s also being duplicated in many parishes it’s the whole month yung tinatawag nilang Aurora which is referring to the dawn kasi at 4’oclock they hold procession of the image of Our Lady of the Holy Rosary of Barangay is being transferred from one center chapel of the Basic Ecclesial Community to another for the whole 30 days…” pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam sa Radyo Veritas.
Itinuturing ni Bishop Alminaza na isang magandang karanasan para sa mananampalataya mula sa iba’t-ibang antas ng pamumuhay sa diyosesis ang isang buwang maagang pagtitipon-tipon upang sama-samang ihatid at salubungin ang imahen ng Mahal na Birheng Maria patungo sa iba’t-ibang kumunidad pabalik ng Cathedral.
“For the whole for 30 days it’s like Our Blessed Mother visiting the different communities and it start at the Cathedral and goes back at the Cathedral in the end so maganda ito kasi akalain mo mga 3:30 people start assembling young and old, children, young from all walks of life…” Dagdag pahayag ni Bishop Alminaza.
Ang buwan ng Oktubre ay itinalaga bilang buwan ng Santo Rosaryo upang parangalan ang Birhen ng Santo Rosaryo na nagdiriwang ng kapistahan tuwing ika-7 ng Oktubre.
Ayon kay Pope Francis, magandang pagkakataon ang Buwan ng Santo Rosaryo upang mas mapalalim ang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.
Batay sa tala, may mahigit sa 900-libo ang bilang ng mga Katoliko sa Diocese of San Carlos na pinangangasiwaan ng may 80 na pari sa 33 mga parokya.
Ang buwan din ng Oktubre ay itinakdang “Mission month o Pista ng Misyon”.
Sa ika-18 ng Oktubre 2019, pangunguhan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang sa Pista ng Misyon” sa Cuneta Astrodome Pasay City.
Read: Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Tagle na sariwain ang pagiging misyonero ni Hesus
- Pagiging miyembro ni Cardinal Tagle ng Roman Curia, nagbigay kasiyahan sa mga Filipino - December 9, 2019
- Kamalayan ng mga Filipino sa Ecumenism at Interreligious dialogue, itataas ng CBCP - December 6, 2019
- Simbahan, kumbento; binuksan para sa evacuees ng Gumaca - December 3, 2019
- Pagkakaisa ng magkaibang pananampalataya, misyon ng Simbahang Katolika. - December 2, 2019
- Diamante, mananatiling volunteer in prison matapos magretiro sa CBCP-ECPPC - December 2, 2019
- Pangulong Duterte, insecure kay Vice-President Robrero - November 25, 2019
- Pangulo ng CBCP, suportado ng CBCP-ECC sa batikos ng DFA secretary. - November 22, 2019
- ACN Philippines, nagpahayag ng pasasalamat kay out-going Papal Nuncio Archbishop Caccia - November 20, 2019
- Panawagan sa 3rd World Day of the Poor: May kakayahan ang bawat isa na tumulong sa kapwa - November 18, 2019
- CFM, nagpahayag ng suporta kay VP Robredo - November 11, 2019