Cultural

Institutionalization ng Red Wednesday, inaprubahan ng CBCP.

Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines and Institutionalization ng Red Wednesday Campaign ng Aid to the Church in Need sa bansa.

Sa pamamagitan ng unanimous vote ng kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas ay magiging bahagi na ng taunang selebrasyon ng Simbahang Katolika sa bansa ang Red Wednesday Campaign.

“The CBCP in this plenary has responded to the request of Aid to the Church in Need… We responded to the call and challenge of ACN that it would be a formal activity now all over the Philippines and the CBCP responded a big yes to the ACN request for the celebration of Red Wednesday.” Pahayag ni Abp. Valles sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, nakita ng mga Obispo at Arsobispo ng Pilipinas ang resulta ng hindi pagkakaunawaan kaya naman dapat na mapaigting ang ang Red Wednesday Campaign upang masuportahan at maipanalanging matigil na ang karahasan at pang-uusig sa mga Kristiyano.

Aniya, kasabay ng tema ng taon na Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples, nawa ay mas maitaguyod ang pagkakaroon ng diyalogo na hahantong sa pagkakaunawaan at pagkakaisa.

“It is a very important to know that this violence that our Christian brothers and sisters are suffering is due to a lack of understanding so we can see so much need of interreligious dialogue specially in this case, mutual understanding and harmony, so in this case we are the ones suffering and we realize that this suffering again we see as a very sad result of not much desired understanding and dialogue.” Dagdag pa ng Arsobispo.

2016 nang simulan ng Pontifical Foundation na Aid to the Church in Need ang red Wednesday Campaign sa united Kingdom at 2017 naman nang makibahagi dito ang Pilipinas.

Labis ang pasasalamat ni Jonathan Luciano, National Director ng ACN PH sa naging desisyon ng CBCP.

Aniya, ang pormal na pagtatalaga ng Red Wednesday bilang taunang pagdiriwang ng Simbahan sa buong bansa ay malaking tanda na hindi nagsasawalang kibo ang mga Pilipino sa dinaranas na hirap ng mga inuusig sa loob at labas ng bansa.

“Yung pag-institutionalized ng Red Wednesday ay isang napakalakas na mensahe, na mayroon tyayong ginagawang hakbang para magkaroon ng kamulatan, magkaroon ng pagkilos, at magsama-samang ipanalangin itong mga kristiyanong inuusig dito sa ating bansa at sa buong mundo.” Pahayag ni Luciano sa Radyo Veritas.