Cultural

Huwag ibenta ang boto, pakiusap ni Cardinal Rosales sa mga botante

 

editing-620x264

Nakikiusap si dating Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales sa mga botante na huwag nang ibenta ang boto sa nalalapit na 2016 national elections.

 

Pinaalalahanan ni Cardinal Rosales ang mga botante na huwag ipagpalit sa panandaliang biyaya ang kasagraduhan ng boto dahil kinabukasan ng bansa at susunod henerasyon ang nakasalalay sa maging pasya ng mamayang Pilipino.

 

Binalaan ni Cardinal Rosales ang mga botante sa mga pagbabatkayo,panlilinlang at panloloko ng mga kandidatong may mga pansariling interes.

 

“Huwag bibigyang pansin ang paglilinlang ng kapwa tao sa pagpili ng mga mamumuno. Alam natin lumilitaw ang napakaraming pagbabalatkayo, napakaraming paglilinlang, napakaraming panloloko sa kapwa tao sa panahon ng election. Hindi ko na kayo dapat bigyan ng halimbawa sa hindi tapat na pamumuno at pagsisislbi. Nabibili ang boto sa Pilipinas, kung ipagpapalit ito sa pansumandaliang biyaya ang pagkakataon kaya banal ang pagpili ng pamumuno huwag tayo palilinlang at huwag patutukso,ang boto ay hindi ipinagbibili,” paalala ni Cardinal Rosales sa mga botante.

 

Hinimok ng Kardinal ang mga botante na laging isaisip na para kinabukasan ng pamilya, ng mga kabataan ang resulta ng isang malinis at hindi bayarang halalan.

 

“Sapaglat sa sandaling pinayagan na ganito nakasanala na ang kinabukasan hindi lang ang sa atin kundi ang inyung mga anak at mga apo, mga kapataid.Pag-isipan natin huwag lang basta, ipanalangin ang darating na halalan ating isip-isipin kahit walang bayad at kahit may bayad ang pagtataya ng isang pinuno ang kapalit ay ang kinabukasan. Kapag binigyang pansin natin maaring mula ngayon ay magsimula ang magndang kasaysayan ng Pilipinas kung walang kapalit, walang presyo,walang halaga,walang pera sa halalan.”pakiusap ng Kardinal.

 

Paalala pa ng Kardinal kasabay ng panalangin ay dapat pag-isipang mabuti ang magiging desisyun sa pagpili ng kandidato na maninidigan para sa kabutihan ng bayan at hindi ng sariling kapakanan ng mamumuno sa bayan.