500 Years of Christianity Countdown

July 27, 2020, 10:36AM

Nais ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tunay na kalagayan ng bansa at mga hakbang upang maresolba ang suliraning dulot ng corona virus disease.

Sa mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Potificio Collegio Filipino, binigyang diin nitong ang COVID-19 pandemic ang tunay na kalaban na dapat pagtuunan nang pansin ng pamahalaan na labis ang epekto sa mamamayan.

“Our main problem is Covid19 pandemic. Our number one enemy is this Coronavirus. This is should be the focus of SONA, as to give us clear, true situation Covid19 in our country; and then concrete and concise plans to address this pandemic and for the economic recovery,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Umaasa ang obispo na talakayin ng Pangulong Duterte ang mahahalagang usapin sa bansa na kapaki-pakinabang sa mamamayan lalo’t higit sa mahihirap na sektor na lubos na apektado ng COVID-19 pandemic.

Bukod dito sinabi rin ni Bishop Santos na dapat humingi ng kapatawaran sa Diyos ang punong ehekutibo makaraang ihayag nito sa publiko na bukod tanging habag at awa ng Diyos ang makatutulong na mawakasan ang paglaganap ng nakamamatay na virus.

“As the president acknowledges the need for God and His power and providence to country, because as he said ‘we are Christians’ so be sorry of insulting God and profess that religion is essential need of our people,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Naunang sinabi ng iba’t-ibang grupo kabilang na ang simbahang katolika na sana’y ihayag ng pangulo ang tunay na estado ng bansa sa pagharap sa krisis na dulot ng pandemya.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health umabot na sa mahigit 80, 000 ang bilang ng mga nahawaan ng corona virus sa bansa sa kabila ng pagpapatupad ng quarantine sa buong bansa.

Ayon pa kay Bishop Santos, nawa’y ituring ng pamahalaan ang simbahan na katuwang sa paglilingkod sa mamamayan at nasa iisang hangarin para sa kabutihang panlahat.

“Church and State are partners for the common good of the people; accept that the Church is not enemy but as conscience of country telling her what is wrong and right, good or bad,” saad ng opisyal.

Read: https://www.veritas846.ph/panawagan-kay-pangulong-duterte-pakinggan-ang-hinaing-ng-mga-filipino/

Humble President Duterte, nais makita ng sambayanang Filipino sa SONA

Action plan ng Pangulong Duterte sa Covid-19 pandemic, nais marinig ng obispo sa SONA