Cultural

Harapin ang buhay ng walang takot kasama ang Panginoon

Huwag matakot na harapin ang buhay sa kabila ng mga agam-agam at mga pagsubok.

Ito ang paanyaya ni Bangued, Abra Bishop Leopoldo Jaucian, outgoing Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth sa mga kabataan sa pagpapatuloy ng Philippine Conference on New Evangelization o PCNE6 sa Quadricentennial Pavillion ng University of Santo Tomas.

Ayon kay Bishop Jaucian, hindi lamang si Hesus kundi ang Kaniyang inang si Maria ang ating kasama sa paglalakbay sa buhay.

Iginiit ng Obispo sa kaniyang pagninilay na tulad ni Maria ay magkaroon tayo ng lakas ng loob at tapang na tanggapin ang hamon na sumulong at tumindig sa buhay sa kabila ng paghihirap.

“And Mary, upon knowing and learning, she opened her eyes that this is the will of God for her and she had the courage to stand. My dear young people, be like Mary. That when we meet the challenge of life with her, we have the courage to always discern the love of God for us. Together with Mary, say “Yes Lord,” bahagi ng homiliya ni Bishop Jaucian.

Ipinaalala rin ng Obispo sa mga kabataan ang kanilang kahalagahan na nagbibigay ng sigla at kalakasan ng simbahan.

“My dear young people, you are the treasure of the Church, you are the joy of the Church, and you are the power of the Church. Mary is not just a statue that we offer flowers, that we offer our novenas, the experts would say; she is a young woman from Nazareth, she journeys with us, our joys is her joys, our sufferings is her suffering. Hindi lang si Hesus ang kasama natin sa buhay, si Inang Maria ay nakikiisa sa paglalakbay natin sa buhay,” ayon kay Bishop Jaucian.

Dagdag pa ng obispo, “I see in the young that their giftedness, their creativity, their talents, becomes the music, the sound that gives life for the church, and their freshness becomes the light that gives hope for the church.”

Ibinahagi din ng Obispo ang ilan sa mga karanasan sa kanyang kabataan at kung paano niya naramdaman ang pag-ibig ng Diyos sa kaniyang buhay.

Sa kuwento ng Obispo, sa kabila ng kahirapan ng kanilang pamilya ay nakapagtapos siya ng pag-aaral at inilaan ang kaniyang buhay sa paglilingkod sa Diyos bilang isang pari.

“I had to stop schooling to be a full time employee. When I entered the seminary June of 1977, Miracles on Miracles. Exactly almost 30 years, March 26, 2007, I went back to the very altar where I cleaned, it was there I was ordained a Bishop. Ang isang sacristan, puwede din pala maging Obispo. All because I was able to open my life to the grace and to the love of God and Mary,” kuwento ni Bishop Jaucian.

Ayon pa sa obispo, kagalakan na niya ang magsilbi sa Diyos sa pamamagitan ng pakikilakbay sa kabataan upang magsilbing gabay at pagyamanin ang mga biyayang kaloob ng Panginoon.

Si Bishop Jaucian ang kasalukuyang chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth na nahalal noong taong 2013.