politics

Good politics is at the service of peace -Pope Francis

Inihayag ng Santo Papa Francisco sa kaniyang mensahe sa ‘52nd World Day of Peace 2019’ ang ‘Good Politics is at the Service of Peace’.

Iginiit ng Santo Papa na ang pulitika ay isang mahalagang paraan ng pagtataguyod ng mga komunidad at institusyon sa pamamagitan ng tunay na public service.

Ang sinasabing good politics ng Santo Papa ay ginagawa ngayon ni Manila Mayor Francisco Domagoso.

Iginiit naman ni Mayor Domagoso o kilala bilang si Isko Moreno na magpapatuloy ang paglilinis at kaayusan ng Maynila lalu na ang mga naglipanang illegal vendor.

“It’s a challenging task kasi breaking bad habits ‘yung nilalabanan natin. Pero sabi nga anong gagawin natin papanoorin na lang ba natin sila,” ayon kay Domagoso.

Ipinaliwanag ni Domagoso sa panayam ng Veritas Pilipinas na may programa ang pamahalaan ng Maynila na ilipat ang mga vendor sa tamang lugar na maari silang magtinda at hindi sa kalye na nagdudulot ng pagsisikip ng trapiko at mga basura sa lansangan.

Naniniwala din ang alkalde na hindi ang mga vendor ang nakikinabang sa kanilang kinikita sa pagtitinda kundi ilang mga grupo na nagsasamantala sa kanilang katayuan.

“Sinong vendor ang yumaman, di ba negosyo ito, bakit hindi lumalago ang negosyo. There must be something wrong, only to find out that they pay more for certain individual than earning more,” dagdag pa ng alkalde.

Kabilang sa nalinis na mga lansangan sa lungsod ang kahabaan ng C.M Recto, Divisoria, Juan Luna, Blumentritt sa Sta. Cruz, Carriedo, Soler, at sa Plaza Miranda sa Quiapo habang nakatakda ring linisin at tanggalin ang illegal vendors sa Paco at Pedro Gil.