April 9, 2020, 4:27PM
Ang mga frontliner na matapang na humaharap sa banta ng Coronavirus Disease 2019 ay maituturing na mga buhay na bayani ng bansa.
Ito ang ibinahagi ni CBCP – Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino Chairman Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos kaugnay sa ika-78 na taong paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Sinabi ng Obispo na ang mga healthcare worker at iba pang humaharap sa banta ng COVID-19 ay dapat na pasalamatan at pahalagahan sa kanilang kagitingan na patuloy na maglingkod sa kabila ng banta ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.
“nakikita natin dito na kung saan meron tayong mga living hero, na kung saan meron tayong mga buhay na bayani at itong mga buhay na bayani ay dapat nating pahalagahan at pasalamatan at ang mga buhay na bayaning ito ngayon ay ating nakikita at nararanasan at nahahawakan at naririnig sa katauhan ng mga health care workers at sinabi natin na sila ang ating frontliners at yung mga dito nakikita naka-man sa checkpoint yung mga pulis natin, yung mga marshals, barangay tanod ito naman ang kanilang kumbaga first line of defense natin na hindi na kumalat ang COVID…”pahayag ni Bishop Santos sa panayam sa Radyo Veritas.
Ayon sa Obispo, ang kabayanihan ng mga frontliners ng bansa mula sa COVID-19 ang patunay na hindi kinakailangan ng digmaan upang maging bayani ng bayan sapagkat ang bawat isa ay maaring maging bayani sa araw-araw.
Itinuring din ni Bishop Santos na kabayanihan ang pagsunod sa mga alituntuning ipinatutupad kasabay ng pag-aalay ng panalangin hindi lamang para sa kapakanan ng bansa kundi maging ng buong daigdig mula sa COVID-19.
“Ngayon ay makikita natin na kung saan hindi na tayo dapat maghintay pa na kung saan ay mayroong digmaan upang maging bayani, sa ating pang-araw-araw na gawain magiging bayani tayo katulad ng ginagawa ng mga health workers giving their time, giving their self and their services, ngayon naman tayo na nasa bahay, manatili sa bahay, magdasal at huwag na tayong gumawa ng pagkakataon na tayo pa ang magiging daan ng suliranin so we have to cooperate, we have to collaborate…” dagdag pa ni Bishop Santos.
Naunang nagpahayag ng pagkilala at pasasalamat si Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines– Episcopal Commission on Youth sa lahat ng mga frontliners na matapang na hinaharap ang banta ng kapahamakan mula sa pandemic na Coronavirus Disease 2019.
Read:
Frontliners sa laban kontra COVID-19, kinilala ng Simbahan na bagong bayani
- Pagbabakuna ng COVID-19, isang moral obligation - Monday, January 18, 2021 4:27 pm
- Christian unity, misyon ng isasagawang “Ecumenical Bible festival”. - Sunday, January 17, 2021 10:41 am
- Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops - Saturday, January 16, 2021 3:36 pm
- Obispo, duda sa isinusulong na CHA-CHA - Friday, January 15, 2021 2:03 pm
- Pallium mula sa Santo Papa, tinanggap ni Archbishop Baccay - Friday, January 15, 2021 10:43 am
- Pilipinong Pari, itinalaga sa Franciscan’s Justice and Peace sa Roma - Wednesday, January 13, 2021 12:27 pm
- Ituwid ang mali, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano - Monday, January 11, 2021 12:56 pm
- Archdiocese of Manila, nakikiusap sa mga deboto na huwag magsiksikan sa Quiapo church - Friday, January 8, 2021 11:18 am
- Obispo, nangangamba sa kaligtasan ng mga OFW sa Estados Unidos - Thursday, January 7, 2021 10:47 am
- Mamamayan, hinimok na ipanalangin ang “Change of heart” ng mga opisyal ng administrasyong Duterte - Monday, January 4, 2021 4:44 pm