Cultural

Dumalo sa mga misa sa Todos Los Santos

Huwag kalimutan na dumalo sa misa ngayong ‘Todos Los Santos’.

Ito ang panawagan ni Father Danilo Martinez ng Archdiocese of Nueva Segovia, Ilocos Sur sa mga mananampalataya na uuwi ng lalawigan para dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Pero huwag kalimutan na pumunta at mag-attend ng mass dahil ang mahalaga para sa kanila (patay),” ayon kay Fr. Martinez.

Ayon kay Fr. Martinez, Director ng Social Action Center ng Nueva Segovia, naghahanda na rin ang mga pari ng buong Arkidiyosesis para sa pagbabasbas ng mga puntod sa ilang Sementeryo sa Ilocos Sur.

Paalala ng pari na mahalagang ang ating pagpunta ay para sa pag-aalay ng panalangin para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa.

“Yung mga galing ng Manila, galing ng abroad galing ng ibang probinsya pag-umuwi kayo dito para dumalaw sa mga puntod ng mga mahal sa buhay maganda siguro ay mag-offer kayo ng prayers for them. Kailangan nila ang dasal natin especially this time na nakatutok tayo sa kanila lang,” ayon kay Fr. Martinez.

Pinayuhan ni Father Martinez ang mga mananampalataya na magdala din ng Holy Water para sa blessing ng mga puntod.

“Kaya pagpunta ninyo ng puntod hindi lang magtirik ng kandila kundi magdala na rin ng holy water at tsaka rite kasi lahat ng pari sa Ilocos ay naghanda ng gagamitin sa blessing ng mga puntod.” Pahayag ng pari sa Radio Veritas

Ang Arkidiyosesis ng Nueva Segovia ay binubuo ng mga 41 parokya na pinangangasiwaan ng 71 pari.

Una na ring nagbabala si Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity Chairman Bishop Broderick Pabillo sa Publiko na mag-ingat sa mga mapagsamantalang pekeng mga Pari.

Ipinaalala din ni Bishop Pabillo sa mga kaanak ng namatayan na ang All Souls at All Saints day ay selebrasyon ng buhay.

Read more: All Saints at All Souls day, isang celebration of life