Ibinahagi ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na pinagkakatiwalaan ng Panginoon ang mga tao ng talento upang gamitin sa paglingap ng kapwa.
Ito ang pagninilay ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinatawan ng Mindanao sa C-B-C-P kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari sa ika – 22 ng Nobyembre.
Ayon sa arsobispo, mahalagang gamitin ng tao ang mga kaloob na talento upang tulungan ang higit nangangailangan partikular ang mga nasalanta ng bagyo.
“Jesus is the King of Kings! He continues to mobilize us by giving us talents and let this talent be used to help the victims of the typhoons that destroyed our land,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.
Umaapela ang arsobispo sa mamamayan na magkaisang kumilos upang maibsan ang paghihirap na dinanas ng mga naapektuhan ng mga kalamidad sa gitna ng pandemya bunsod ng corona virus.
Binigyang diin din ni Archbishop Jumoad na maging ang pamahalaan at mga kawani nito ay pinagkakatiwalaan ng Panginoon sa paglilingkod sa sambayanan partikular na sa mga dukha.
“Government agencies are also the instrument of Jesus as King of Kings to extend the help to the lost and least in our society,” ayon kay Archbishop Jumoad.
Partikular na tinukoy ng arsobispo ang Deaprtment of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at ang Bureau of Customs na nawa’y maging tapat sa kanilang tungkulin sa paglilingkod sa mamamayan.
Hiling ni Archbishop Jumoad sa D-S-W-D na agad ipamahagi ang tulong para sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo at huwag nang iimbak upang hindi masayang tulad ng mga nabulok na relief goods noong manalasa ang bagyong Yolanda.
Umaasa rin ang arsobispo ng Ozamis na paigtingin ng Philhealth ang serbisyo sa mga Filipino upang maibalik ang tiwala ng mga tao sa ahensya na labis nabahiran ng katiwalian.
“Jesus as King of Kings send people in Philhealth to help those who are sick; I hope Philhealth will help the poor and they have to regain their credibility,” giit ng arsobispo.
Batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council tinatayang halos dalawang milyong indibidwal partikular sa Luzon ang naapektuhan ng malawakang pagbaha kasund ng pananalasa ng bagyong Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses.
- AVOSA, nagpapasalamat sa mga nakiisa sa anti-COVID 19 vaccination program - Friday, January 22, 2021 12:28 pm
- Obispo ng Pilipinas kay US President Biden; Isulong ang kahalagahan ng buhay - Friday, January 22, 2021 11:27 am
- Perjury case laban kay Alyas Bikoy, nararapat-Bishop Bacani - Thursday, January 21, 2021 2:01 pm
- Bishop-emeritus Sorra, pumanaw na - Thursday, January 21, 2021 10:05 am
- Pope Francis, suportado ang mga programa ng AMRSP - Wednesday, January 20, 2021 4:29 pm
- Pamamahagi ng lupa sa magtatapos ng Agriculture courses, suportado ng Simbahan - Wednesday, January 20, 2021 3:32 pm
- ‘Online Bible Festival’, gaganapin sa Bible Month-ECBA - Tuesday, January 19, 2021 2:46 pm
- Nova Villa, ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng Vatican - Friday, January 15, 2021 11:21 am
- Virtual masses, isasagawa para sa pista ng Santo Niño sa Cebu - Thursday, January 14, 2021 2:10 pm
- Pamahalaan at simbahan, magkatuwang sa pagsusulong ng urban gardening - Wednesday, January 13, 2021 11:47 am