August 2, 2020, 11:56AM
Pansamantalang sinuspendi ng Diocese of Cubao ang pagsasagawa ng mga pampublikong liturhiya sa buong diyosesis bilang pakikibahagi at tugon sa panawagan ng mga medical frontliners na pansamantalang “time out” mula sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 sa bansa.
Sa loob ng 2 linggo ipinag-utos ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang suspensiyon ng pagsasagawa ng liturgical services sa buong diyosesis mula ika-3 hanggang ika-14 ng Agosto bagamat magpapatuloy ito sa pamamagitan ng online services.
Pagbabahagi ng Obispo, ang muling pagsususpendi sa pagsasagawa ng mga pampublikong liturhiya sa diyosesis ay isang paraan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga medical frontliners na makapagpahinga, gayundin ang pamahalaan upang masuri ang kasalukuyang pagtugon ng estado sa krisis na dulot ng pandemya.
Ayon kay Bishop Ongtioco, kinakailangan ring masuri ng diyosesis ang naging pagtugon ng Simbahan sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
“The Diocese of Cubao is listening and will act on their call. From August 3 to 14, the Diocese is suspending public liturgical services in all its parishes. Our online services amd religious activities will continue. We will allow our front-liners to breathe, our government to assesss and proactively respond to the situation, our Church to evaluate how we can better help our brothers and sisters who are suffering in this situation.” Ang bahagi ng tugon ni Cubao Bishop Ongtioco
Ipinaliwanagt ng Obispo na nakababahala at hindi dapat balewalain ang mariing panawagan ng mga medical frontliners na mula ng magsimula ang pandemya sa bansa ay matapang nang nanguna sa pagharap at pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga nahawaan ng nakamamatay na sakit.
Iginiit ni Bishop Ongtioco na ang panawagan ng mga medical frontliners ng pansamantalang “time out” ay hindi nangangahulugan ng pagsuko sa kanyang tungkuling sinumpaan sa halip ay paghingi lamang ng pagkakataon upang muling makapagpahinga at makapag-ipon ng lakas.
“What is even more concerning is the urgent appeal of the medical front-liners for a “time out”. Exhausted, overwhelmed by the steady deluge of the sick, and sometimes even taken ill, they remain dedicated in the commitment. They are not throwing in the towel or cowering from their tasks. They are imploring for a “time out” to get their bearings back, to breathe and to energize for the burgeoning task ahead.” Dagdag pa ni Bishop Ongtioco.
Nauna ng ipinag-utos ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang muling pagsunod ng lahat ng mga Simbahan at Dambana sa arkidiyosesis sa mga panuntunan sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.
Read: https://www.veritas846.ph/archdiocese-of-manila-magpapatupad-ng-2-linggong-lockdown/
- Christian unity, misyon ng isasagawang “Ecumenical Bible festival”. - Sunday, January 17, 2021 10:41 am
- Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops - Saturday, January 16, 2021 3:36 pm
- Obispo, duda sa isinusulong na CHA-CHA - Friday, January 15, 2021 2:03 pm
- Pallium mula sa Santo Papa, tinanggap ni Archbishop Baccay - Friday, January 15, 2021 10:43 am
- Pilipinong Pari, itinalaga sa Franciscan’s Justice and Peace sa Roma - Wednesday, January 13, 2021 12:27 pm
- Ituwid ang mali, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano - Monday, January 11, 2021 12:56 pm
- Archdiocese of Manila, nakikiusap sa mga deboto na huwag magsiksikan sa Quiapo church - Friday, January 8, 2021 11:18 am
- Obispo, nangangamba sa kaligtasan ng mga OFW sa Estados Unidos - Thursday, January 7, 2021 10:47 am
- Mamamayan, hinimok na ipanalangin ang “Change of heart” ng mga opisyal ng administrasyong Duterte - Monday, January 4, 2021 4:44 pm
- “Biseklita de Traslacion” ng Poong Hesus Nazareno, isasagawa sa Davao de Oro - Monday, January 4, 2021 3:13 pm