April 1, 2020, 2:13PM
Ikinagagalak ng Diocese of Borongan sa Easter Samar na wala pang naitatalang kaso ng coronavirus disease sa probinsya.
Sa panayam ng Radyo Veritas kay Borongan Bishop Crispin Varquez, sinabi nito na bagamat may pangamba sa kakulangan ng testing kit ay wala pa namang naitatalang kaso ng sakit sa lugar.
“I hope that it is not because we have no available testing kits here that our status is negative. We pray and do our best [that] we can maintain this kind of status.” pahayag ng Obispo.
Ayon pa sa Obispo, sa inisyatibo ng diyosesis, nakapagbahagi na ang simbahan ng Borongan ng tulong pinansyal sa kanilang komunidad lalo na sa mga nakatira sa liblib na lugar.
Inihayag ni Bishop Varquez na tumutulong sila sa lokal na pamahalaan at sa Kagawaran ng kalusugan sa pagkalat ng mga tamang imposmasyon kaugnay ng COVID-19.
Patuloy pa rin ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa diyosesis sa pamamagitan ng radio, TV, at social media.
“Using our communication facilities – Radio, Cable TV, and Social Media, we help our DOH and LGU give right information to people and ask their full cooperation to control the spread of this virus.” dagdag pa Obispo.
Samantala, ang buong probinsya ay sumasailalim rin sa community quaratine hanggang sa ika-12 ng Abril at nagpapatupad ng curfew mula 8 ng gabi hanggang 5 ng umaga sa buong Borongan.
Patuloy naman ang simbahan ng Borongan sa panghihikayat sa mga mananampalataya na ugaliin ang pagdasaral.
- Covid-19 pandemic labanan ng pagmamahal - Monday, August 10, 2020 10:19 am
- Muling pagbuhay sa outdated na Bataan nuclear power plant, pinangangambahan - Friday, July 31, 2020 2:54 pm
- Pagpatay sa hepe ng NCMH, offense against humanity - Tuesday, July 28, 2020 11:44 am
- Pagbabalik operasyon ng ipinasarang mining firms, pinuna ng Obispo - Friday, July 24, 2020 10:30 am
- Ipalaganap ang disiplinang nakaugat sa pag-ibig sa halip na takot - Wednesday, July 15, 2020 12:26 pm
- Manindigan laban sa Anti-Terror Act of 2020, panawagan ng mamamayan sa taongbayan - Sunday, July 5, 2020 10:53 am
- Manindigan sa tinatamasang kalayaan, hamon ni Bishop Pabillo sa mga Filipino - Thursday, June 11, 2020 2:23 pm
- Tutukan ang COVID-19 pandemic at Marawi rehab sa halip na Anti-Terrorism bill-AMRSP - Thursday, June 4, 2020 11:41 am
- Renewable energy, muling isinulong dulot ng mataas na singil sa kuryente - Tuesday, May 26, 2020 10:46 am
- Kapistahan ng Tatlong Patron ng Obando, ipinagdiwang online - Wednesday, May 20, 2020 1:11 pm