Pinasinayaan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Solar Power Facility ng Holy Apostles Senior Seminary sa Guadalupe Makati, ika-17 ng Septyembre.
Ayon kay Cardinal Tagle, isang magandang hakbang ito lalo na ngayong buwan na ipinagdiriwang din ang Season of Creation.
Binigyang diin ng Arsobispo ng Maynila na ang paggamit sa natural resources bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya ay pagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa kalikasan.
Iginiit ni Cardinal Tagle na kapag nawala na ang pakialam ng tao sa kapwa nito at sa kalikasan ay nagsisimulang maghari ang kayabangan at kasakiman.
Babala ng Cardinal, ang dalawang ito ang nagiging sanhi upang maglaho ang pagpapahalaga ng tao sa lahat ng nilikha ng Panginoon.
“When caring is no longer appreciated as a human value, when being caring is replaced by carelessness, I could care less, when caring is replaced by greed, by pride, when caring is thrown away, when caring disappears, even human beings are thrown away, values are thrown away.” Pahayag ni Cardinal Tagle.
Dahil dito, ipinaalala ng Cardinal na mahalagang maibalik ang kultura ng pagkalinga at pagpapahalaga hindi lamang sa kalikasan kungdi maging sa kapwa tao.
Nilinaw ng Kardinal na kapag tiningnan ang tao bilang isang kasangkapan lamang ay madali na ding gawing kasangkapan at sirain ang kalikasan.
Tiwala si Cardinal na sa maliliit na hakbang tulad ng paggamit ng Solar Power Facility ay nakatutulong ito upang mapanumbalik ang “Culture of Caring.”
“This little acts and our blessing today is one of those actions that must be encouraged in order to really build up a whole culture of caring. We need to recover the spirituality, gratitude for the creator, appreciation for the gift of creation, and recover our vocation to be stewards and care givers.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Ang Solar Power Facility ng Holy Apostles Senior Seminary ang kauna-unahan sa lahat ng seminaryo sa Archdiocese of Manila.
Nakalilikha ito ng 22.32kilowatt peak at maaaring mapunan ang halos 43% ng day time electric consumption ng buong institusyon.
Una nang hinamon ng Kanyang Kabanalan Francisco sa encyclical na Laudato Si ang mga pinuno ng bawat bansa na lumikha ng polisiyang magtatakdang palitan ng renewable energy ang paggamit ng maruruming fossil fuels na sumisira sa kalikasan.
- Diocese of Cubao, tutol na gawing FPJ avenue ang San Francisco del Monte avenue - Monday, October 26, 2020 1:04 pm
- Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan - Monday, October 12, 2020 2:11 pm
- Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan - Tuesday, August 18, 2020 1:34 pm
- Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19 - Friday, July 17, 2020 12:47 pm
- 70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao - Thursday, July 16, 2020 1:43 pm
- Ipalangin ang mga Manggagawa sa panahon ng pandemya - Friday, May 1, 2020 12:03 pm
- Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw - Thursday, March 26, 2020 2:22 pm
- Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado. - Friday, March 13, 2020 6:26 pm
- Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma. - Tuesday, March 10, 2020 10:44 am
- Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao. - Wednesday, February 26, 2020 3:00 pm