Cultural

Culture of solidarity, ipalit sa umiiral na culture of globalization at selfishness

National celebration para sa 100-taong apparition ng Our Lady of Fatima, sinimulan na.

Pormal ng sinimulan sa Pilipinas ang “Centenary celebration” ng Our Lady of Fatima sa pamamagitan ng 1st Centennial conference na ginanap sa National Shrine of Our Lady of Fatima sa Valenzuela City.

Pinangunahan ni dating CBCP President Jaro Archbishop Angel Lagdameo, national spiritual director ng World Apostolate of Fatima ang conference at pagdiriwang.

Binigyan diin ni Archbishop Lagdameo na nangangailangan ng awa at habag ang mundo sa kasalukuyang panahon.

“As we are launching the centennial of apparitions of our Lady of Fatima, the shrine of Fatima presents to our considerations of July 1917 that shows how we envelope us as an opportunity to reflect on theology of a compassionate God.”mensahe ni Lagdameo.

Inihayag ng Arsobispo sa ngayon ay mas marami pa rin ang hindi tumutugon sa malaking mensahe ng selebrasyon ng ika-isandaang taon ng aparition ng Our Lady of Fatima na maging mahabagin ang mundo.

Binigyang diin ng Arsobispo na sa modernong panahon mas nagingibabaw ang pagiging makasarili na mas tinatalikuran at tinatanggihan ang kapwa na nangangailangan ng tulong awa at habag.

Ayon sa Arsobispo, malaking mesahe ng Our Lady of Fatima na palitan natin ng culture of solidarity ang culture of globalization and selfishness.

“We need to cultivate mercy, we need to cultivate compassion and solidarity. Our culture, selfish globalization must be replaced of a culture of solidarity. Our world needs compassion. Many people remain indifferent to the needs of others there is no time for energy to waste.”panawagan ni Archbishop Lagdameo.

Ipinaalala ni Archbishop Lagdameo ang dakilang mensahe ng mahal na birheng Maria, ang pagdadala at pagdarasal araw-araw ng santo rosaryo sa halip na maging abala sa makabagong teknolohiya.

Kasabay nito, umaapela ang Arsobispo sa mga layko at Marian devotees na ipanalangin ang mga opisyal ng bansa para pagsilbihan ang mamamayan hindi ang mga sariling interes.

Iginiit ni Archbishop Lagdameo na ang Simbahan at estado ay dapat nagkakaisang naglilingkod sa mamamayang Filipino.

“The church and the state – the relationship must be working together respecting one another. One of serving the same people together not adversarial and therefore we should encouraged our people to continue to pray for government officials otherwise we will be facing adversarial relationship.”pahayag ng Arsobispo

Tiniyak ng Arsobispo na ang pagdarasal ng santo rosaryo ng mga mananampalataya ang makapagliligtas sa estado at simbahan sa pagkakahati-hati nito.

“Continue to encourage your people, your members to pray the rosary before watching the television, because the salvation of our coutry needs your prayer and marian prayer. We should continue to pray for peace in our country and in the whole world.”panawagan ni Archbishop Lagdameo.

Binuksan ang national celebration sa Pilipinas para sa ika-100 taong apparition ng Our Lady of Fatima sa pamamagitan ng 1st Fatima centennial conference at banal na misa na pinangunahan ni Archbishop Lagdameo kasama si Digos Bishop Guillermo Afable-ang liason officer ng Fro- Fatima Centennial celebration, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Lingayen-Dagupan Auxiliary Bishop Renato Mayugba, Prelatura ng Batanes Bishop Gregorio Camillo at San Jose Bishop Roberto Mallari.