Nagtipon-tipon ang mga kinatawan ng Simbahang Katolika sa may 85 Diyosesis sa Pilipinas para palakasin pa ang mga programa na naglalayong makatulong sa mga mahihirap at nangangailangan.
Sa kasalukuyan ay isinasagawa ang ika-39 na National Social Action General Assembly o NASAGA 2018 sa Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan kung saan mahigit 200 Delegado mula Luzon, Visayas at Mindanao ang dumalo.
Ayon kay NASSA/Caritas Philippines Executive Secretary Rev. Fr. Edwin Gariguez, ang pagpupulong na ito ay isang pagkakataon para magnilay at mas mapalakas ng mga Kaparian sa buong Pilipinas ang kanilang mga programa sa bahagi ng Social Action.
“Ito ay isang pagkakataon para magnilay dahil gusto natin na tumugon sa tawag ng panahon. Ito ay panahon din ng pagbabahagian ng mga best practices para mas higit na mabigyan ng puwang yung mga mas higit na kapaki-pakinabang na mekanismo para makapaglingkod.” Pahayag ni Fr. Gariguez.
Inihayag ni Father Gariguez na ilan sa mga tatalakayin ay ang pagharap sa ilang mga mahahalagang issues sa kasalukuyan gaya ng Environmental Protection, Federalism, Human Rights at Train Law.
Ang NASAGA ay inoorganisa ng NASSA/Caritas Philippines katuwang ang iba’t-ibang Social Action Center sa mga Diyosesis sa Pilipinas at ginagawa lamang kada dalawang taon.
- Apektado ng bagyo sa lalawigan ng Quezon, sinaklolohan ng Diocese of Gumaca - Monday, October 26, 2020 3:27 pm
- Caritas Germany, nagbigay ng 100K Euros sa Caritas Manila - Monday, October 19, 2020 11:47 am
- Caritas Manila, nagpaabot ng tulong sa Lebanon - Thursday, September 17, 2020 10:55 am
- Caritas Manila, bukas sa volunteers - Thursday, September 10, 2020 11:01 am
- Health services, tinututukan ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe - Friday, May 22, 2020 11:30 am
- UP-PGH Chaplaincy, tinulungan ang mga “frontliners” kontra COVID-19 - Saturday, March 21, 2020 9:00 am
- Mga parokya sa Luzon, gagamitin ding evacuation centers - Thursday, September 13, 2018 2:47 pm
- Cardinal Tagle, nagpahayag ng pag-aalala sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ompong - Wednesday, September 12, 2018 1:19 pm
- Church social services, Palalakasin pa - Wednesday, August 8, 2018 1:39 pm
- CATHOLIC CHURCH, WEGEN, INAUGURATES HISTORIC DEAL TO LIGHT UP OFF-GRID COMMUNITIES USING SOLAR ENERGY - Wednesday, August 1, 2018 10:03 am