May 28, 2020-2:23pm
Asahan na ang mas maraming sasakyan at mga mangggagawa sa mga police checkpoints sa oras na ipatupad ang General Community Quarantine sa unang araw ng hunyo base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ito ang inihayag ni Police Liutenant General Guillermo Eleazar- deputy chief for operations ng Philippine National Police at head ng Special Joint Task Force Covid-19 Shield sa panayam ng Radyo Veritas.
“So ang kaibahan lang nito kagaya ng ginagawa natin ngayon hindi na po tayo ngayong pedeng strict implementation of the checkpoint. Magkakaroon na tayo ng modification in such away na random na ang pagtse-check natin,” ayon kay Eleazar.
Sinabi naman ni Eleazar na isasagawa ang random checkpoints nang sa gayun ay hindi maipon o makalikha ng matinding pagsisikip sa mga lansangan.
“Sinasabayan din po yan ng mga spot or mobile checkpoint natin na pinangungunahan naman ng Highway Patrol Group para ma-check natin itong mga sasakyan kung sila ay may mga sakay unauthorized,” ayon pa kay Eleazar.
Nilinaw din ng opisyal na ang panuntunang inilabas ng IATF ang patuloy na susundin ng pulisya at hindi pa dito kabilang ang pagpapahintulot sa pagkakaroon ng angkas sa mga motosiklo at ang usapin ng spiritual gatherings.
Ayon pa kay Eleazar ang mga panukalang ito ay nakatakda pang pag-usapan ng IATF kaugnay sa mga posibleng pagbabago lalu’t malaking bahagi na ng bansa ang nasa mas mababa ng antas ng community quarantine.
“Sila po ang nag-aaral nyan base na rin sa mga advice or recommendation ng mga eksperto. Pinag-uusapan naman po nila ‘yan meron pong pro’s and cons pero at the end of the day kung ano pong kanilang rekomendasyon na aaprubahan ng ating Pangulo yan ang ipatutupad ng Joint Task Force Covid,” dagdag pa ng opisyal.
- Taumbayan, tutol sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 2:19 pm
- Term extension, motibo ng Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 1:21 pm
- Higit pang paglago ng debosyon sa Poong Nazareno - Wednesday, January 13, 2021 11:35 am
- Papal Nuncio, humanga sa masidhing pananampalataya ng mga Filipino - Monday, January 11, 2021 1:24 pm
- Kahit walang Traslacion, hindi nababawasan ang biyaya ng Panginoon - Saturday, January 9, 2021 12:10 pm
- Huwag matakot, kasama natin si Hesus – Bishop Pabillo - Saturday, January 9, 2021 9:17 am
- Traslacion ng Poong Hesus Nazareno, sabay-sabay na ipagdiriwang sa iba’t ibang panig ng bansa - Wednesday, January 6, 2021 12:35 pm
- Toll holiday sa kahabaan ng NLEX, giit ng mambabatas - Wednesday, December 9, 2020 2:27 pm
- Mga Misyonero, kinilala ng Simbahan - Wednesday, December 2, 2020 11:13 am
- Jubilee churches, itinalaga ng Diocese ng Kidapawan - Wednesday, December 2, 2020 10:55 am