April 2, 2020-9:47am
Malaki ang maiaambag ng mga kabataan sa pagpapalalim ng pananampalataya kahit sa simpleng pamamaraan sa kabila ng mga limitasyong dulot ng umiiral na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ang ibinahagi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Rev. Fr. Cunegundo Garganta sa maaring maiambag ng mga kabataan ngayong panahon ng Kwaresma bilang paghahanda sa Mahal na Araw.
Paliwanag ng Pari sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin, pakikinig sa mga payo at paalala ng mga nakatatanda at paggawa ng kabutihan ay malaki na ang mababahagi ng mga kabataan sa makabuluhang paghahanda para sa Mahal na Araw.
“Malaki na ang maiaambag ng mga kabataan panalangin, pakikinig sa mga nakatatanda sa mga paalaala at pagpapayo, pangatlo paggawa ng kabutihan sa pamamagitan din ng pagtatama para sa kapwa kabataan kung para sa mabuti huwag silang mangilag o huwag silang mag-alinlangan na maging bahagi ng pagbabago ng kapwa kabataan,” pahayag ni Fr. Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.
Nauna ng inihayag ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng kumisyon na nawa ay maging daan ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine upang mamulat ang kabataan sa kahalagahan ng mga bagay na kadalasang naisasantabi lamang sa pang-araw-araw.
Ayon sa Obispo, nawa ay mas maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng oras para sa pamilya, sa pagninilay at pananalangin kasabay ng implementasyon ng Luzon Wide Enhanced Community Quarantine ngayong panahon ng Kwaresma na maituturing din na sapilitang pagsasailalim sa retreat ng bawat isa.
Nagsimula ang implementasyon ng isang buwang Luzon-wide Enhanced Community Quarantine noong ika-15 ng Marso at inaasahasang magtatapos sa ika-14 ng Abril.
- Pagbabakuna ng COVID-19, isang moral obligation - Monday, January 18, 2021 4:27 pm
- Christian unity, misyon ng isasagawang “Ecumenical Bible festival”. - Sunday, January 17, 2021 10:41 am
- Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops - Saturday, January 16, 2021 3:36 pm
- Obispo, duda sa isinusulong na CHA-CHA - Friday, January 15, 2021 2:03 pm
- Pallium mula sa Santo Papa, tinanggap ni Archbishop Baccay - Friday, January 15, 2021 10:43 am
- Pilipinong Pari, itinalaga sa Franciscan’s Justice and Peace sa Roma - Wednesday, January 13, 2021 12:27 pm
- Ituwid ang mali, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano - Monday, January 11, 2021 12:56 pm
- Archdiocese of Manila, nakikiusap sa mga deboto na huwag magsiksikan sa Quiapo church - Friday, January 8, 2021 11:18 am
- Obispo, nangangamba sa kaligtasan ng mga OFW sa Estados Unidos - Thursday, January 7, 2021 10:47 am
- Mamamayan, hinimok na ipanalangin ang “Change of heart” ng mga opisyal ng administrasyong Duterte - Monday, January 4, 2021 4:44 pm