Hindi magbabago ang paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa sa parusang kamatayan.
Ito ang binigyang diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa muling pagsusulong ng ilang mga mambabatas na ibalik ang capital punishment sa bansa matapos ang insidente ng pagpaslang ng isang pulis sa mag-ina niyang kapitbahay sa Paniqui, Tarlac.
Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano-executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, bagamat may kalayaan ang kongreso na gumawa ng mga batas na para sa bayan ay nananatili naman ang paninindigan ng Simbahan na hindi naaangkop ang muling pagsasabatas ng death penalty.
Paliwanag ng Pari, hindi tugon ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa patuloy na karahasan at kriminalidad sa lipunan na isang pagsasawalang bahala sa buhay na kaloob ng Panginoon sa bawat isa.
“Congress has the liberty to enact laws but the church still maintains that death penalty it is not a panacea that will solve criminal acts perpetrated against persons.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.
Giit ng pari, mas nararapat tutukan ang pagsasaayos at pagpapabuti sa criminal justice system ng Pilipinas sa halip na ang pagbabalik ng capital punishment.
Pagbabahagi ni Fr. Secillano, kinakailangan ang epektibo at patas na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at sistemang pangkatarungan upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.
“It has always been in the government’s agenda, but it would be wise for the government to instead start reforming our criminal justice system which is vital to ensuring peace and order in our society.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.
Nauna ng binigyang diin ni Fr. Secillano na hindi death penalty ang naaangkop na tugon sa kriminalidad sa lipunan sa halip ay ang honest law enforcement at incorruptible penal system.
Kabilang rin ang pagbabalik ng death penalty sa mga death laws na tinukoy ni NASSA/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa patuloy na tututulan at lalabanan ng Simbahang Katolika ngayong taong 2021.
- Pagbabakuna ng COVID-19, isang moral obligation - Monday, January 18, 2021 4:27 pm
- Christian unity, misyon ng isasagawang “Ecumenical Bible festival”. - Sunday, January 17, 2021 10:41 am
- Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops - Saturday, January 16, 2021 3:36 pm
- Obispo, duda sa isinusulong na CHA-CHA - Friday, January 15, 2021 2:03 pm
- Pallium mula sa Santo Papa, tinanggap ni Archbishop Baccay - Friday, January 15, 2021 10:43 am
- Pilipinong Pari, itinalaga sa Franciscan’s Justice and Peace sa Roma - Wednesday, January 13, 2021 12:27 pm
- Ituwid ang mali, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano - Monday, January 11, 2021 12:56 pm
- Archdiocese of Manila, nakikiusap sa mga deboto na huwag magsiksikan sa Quiapo church - Friday, January 8, 2021 11:18 am
- Obispo, nangangamba sa kaligtasan ng mga OFW sa Estados Unidos - Thursday, January 7, 2021 10:47 am
- Mamamayan, hinimok na ipanalangin ang “Change of heart” ng mga opisyal ng administrasyong Duterte - Monday, January 4, 2021 4:44 pm