Disaster NewsEnvironmentLatest News

CBCP, nananawagan ng solidarity at charity sa mga apektado ng Taal volcano eruptions

Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)  na manalangin para sa kaligtasan ng  mamamayan dulot ng pagliligalig ng bulkang Taal.

Hiling din ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles ang pagtutulungan at pagkakawanggawa sa lahat ng mga biktima na kasalukuyan nakakaranas ng paghihirap lalu na sa residente sa lalawigan ng Batangas at Cavite.

“And again in this difficult situation, we are also called to acts of charity and solidarity through our donations of material goods, such as food and most probably shelter and shelter and clothing,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.