5,961 total views
Kaisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People o CBCP-ECMI sa laban para sa hustiya ni Lorenza Delos Santos, isang Overseas Filipino Worker (OFW) at ina ng Kian Loyd Delos Santos na pinaslang ng tatlong pulis Caloocan sa isinagawang Oplan Galugad sa Barangay 160.
Kasabay ng pakikisimpatya sa sinapit ng 17-anyos na biktima, lubos ang pagkadismaya ni CBCP-ECMI chairman at Balanga Bishop Ruperto Santos sa mga pulis na sangkot sa pagpatay na sa halip protektahan at pagsilbihan ang taumbayan ay siya pa ngayong nagdudulot ng trahedya at pagkasira ng lipunan.
“We at CBCP ECMI sympathize with Lorenza and support her quest for justice for her son, Kian. Here is a dedicated mother, as an OFW, sacrifices everything for future of family, and tragically lost her son to those erring and evil minded policemen. Instead to protect and serve civilians which they are mandated to do, they become sinful and shameful agents of death and destruction,” pahayag ni Bishop Santos.
Binigyang-diin ng Obispo na kailangang pagbayaran ng tatlong alagad ng batas ang ginawang pagpatay sa Grade 11 student at maibigay sa pamilya Delos Santos ang karampatang hustisya.
“Innocent life is lost with irresponsible and unlawful enactment of law. They should be severely investigated and prosecuted. Truth should prevail and justice be duly served,” ani Bishop Santos.
Naniniwala rin si Bishop Santos na sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos ay makakamit ni Lorenza, na isang domestic helper sa Saudi Arabia, ang hinahangad na katarungan para sa anak.
“We pray for the family of Lorenza to be strong and still hope in God’s mercy and trust God’s retributive justice. May Kian finds rest with God and live peacefully in Heaven,” panalangin ng Obispo.
Una nang inihayag ni Mrs. Delos Santos na hindi sapat ang pagkakasibak sa puwesto nina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, at PO1 Jerwin Cruz na bumaril sa menor-de-edad bagkus dapat silang maparusahan sa krimeng nagawa.
Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika, ang pagpatay ay malinaw na paglabas sa ika-anim na utos ng Diyos.