Patuloy ang pagiging abala ng simbahan sa pagtugon sa mga naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa bansa.
Ayon kay Fr. Antonio Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines, patuloy pa rin ang relief operation ng social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga diyosesis ng Virac, Legazpi, Caceres, at Libmanan na pawang sinalanta ng Super Typhoon Rolly.
“Practically Bicol area and southern Luzon dahil sa sunod-sunod na typhoon Pepito, Quinta, Rolly dinagdagan ng Ulysses. But our dioceses are doing their relief operations. Marami namang sumusuporta, mga iba’t-ibang dioceses our giving their support. So, it’s a good development, tulong-tulong ang mga simbahan ang ating mga diyosesis,” ayon kay Fr. Labiao sa panayam ng Radio Veritas.
Gayundin sa Gumaca, Infanta at Lipa Batangas na higit muling nasalanta dahil sa bagyong Ulysses.
Ayon kay Labiao, ang ginagawa ng Caritas Philippines ay bukod pa sa mga Diocesan relief operation ng mga diyosesis na naapektuhan ng mga bagyo tulad ng Pepita, Quinta, Rolly at Ulysses.
Nagpapasalamat din ang pari dahil na rin sa pakikiisa ng iba’t ibang diyosesis sa buong bansa para magbigay ng tulong sa mga diyosesis sa Luzon na napinsala ng mga bagyo.
Nagpapalamat din ang Caritas Philippines sa pagtugon ng Caritas International sa panawagang emergency appeal para sa mga nasalanta.
“Marami tayong Caritas, yung Europe, sa Asia na tumutulong ngayon sa emergency appeal ng Caritas Philippines and I am happy na Caritas Germany, Caritas UK, Caritas Española, Italya are partnering with us for the emergency appeal especially hindi lang sa relief kundi sa early recovery,” ayon kay Fr. Labiao.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na rin ng relief efforts ang Caritas Philippines sa mga binahang lugar sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.
“Nagbigay na rin tayo ng tulong sa dalawang diocese na ito financially and then bukas, we will be delivering around more than four thousand rice pack with 10 kilos each for Tuguegarao. So ito ay magandang development, marami na ring mga dioceses natin ang nagpapadala ng tulong dito sa dalawang diocese na tinamaan din ng bagyong Ulysses. Baha ang nakasira sa kanila dito. It’s really flood, hindi lang tubig kundi putik,” dagdag pa ng pari.
- Baptismal cathechism, bibigyang tuon ng Archdiocese of Manila - Monday, February 22, 2021 1:09 pm
- ‘Miyerkules ng Abo’, tanda ng pagpapakumbaba at pagtalikod sa kasalanan - Wednesday, February 17, 2021 2:36 pm
- ‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal - Saturday, February 13, 2021 1:16 pm
- Pananampalataya, ‘essential’ sa paggaling ng may karamdaman - Thursday, February 11, 2021 11:28 am
- Pagpapabakuna laban sa Covid-19, kailangan nang matapos ang ‘community quarantines’ - Friday, February 5, 2021 1:31 pm
- Pagdiriwang ng ‘Grandparents Day’, itinakda ng Santo Papa - Monday, February 1, 2021 8:38 am
- Lifelong commitment at hindi gastusin ang dahilan ng mababang nagpapakasal sa simbahan - Wednesday, January 27, 2021 12:12 pm
- Mamamayan, inaanyayahan sa online bible festival - Friday, January 22, 2021 2:23 pm
- Taumbayan, tutol sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 2:19 pm
- Term extension, motibo ng Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 1:21 pm