Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle,pinabubuksan ang mga Simbahan sa mga binahang residente

SHARE THE TRUTH

 258 total views

Nananawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng parokya sa Archdiocese of Manila na buksan ang mga simbahan at tulungan ang mga residenteng apektado ng baha bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa Metro Manila at karatig na lalawigan.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang nasalanta ng baha na pumunta sa mga parokya, diocesan Caritas, social action centers at mga Barangay centers na nakahandang tumulong at kumalinga.

Inaanyayahan din ni Cardinal Tagle ang mga Good Samaritan na huwag mag-atubiling tulungan at damayan ang mga nangangailangan.

Tiniyak din ni Cardinal Tagle ang mga spektado ng baha at pag-ulan na kasama sila sa mga panalangin at mga misa ngayong linggo na iligtas sa kapahamakan.

Hinikayat din ng Kardinal ang lahat na ipanalangin ang kaligtasan ng mga apektado ng masamang panalangin.

“Una po sa lahat para sa mga naapektuhan ng ulan, ng baha kayo po ay kasama sa ating mga panalangin ngayon araw ng Linggo, mula pa ho kahapon, kagabi. Ang mga misa at ang mga panalangin ay may kasama na pakiusap sa Panginoon na alagaan ang mga apektado ng masamang panahon at inaanyayahan po ang lahat na patuloy na manalangin para po sa ating mga kapatid na napipinsala at lumapit po sa parokya o kaya po sa mga Diocesan Caritas at Social action Centers kung kayo po ay nangangailangan ng tulong. At para po naman sa mga handang tumulong at tayo po ay tinatawagan na sa iba’t ibang pamamaraan ay maging handa na tumulong ay maki-contact po sa parokya, sa barangay, sa Caritas at sa mga iba’t ibang Social Action Centers.” panawagan ni Cardinal Tagle sa panayam sa Radio Veritas

Pinaalalahanan naman ni Cardinal Tagle ang lahat na bahagi ng ating pagsunod kay Hesu Kristo ay pagtulong sa kapwa at pangangalaga sa kalikasan.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang pagkasira ng kalikasan ay pagkasira din ng ating buhay.

“Isa rin pong paala-ala sa ating lahat, lalo na po dito sa atin sa Archdiocese of Manila na naghahanda po tayo ng pagdiriwang ng “Season of Creation” at ang atin po “Laudato Si” conference of spirituality, paala-ala po na bahagi ng ating pagsunod kay HesuKristo bukod sa pag-aaral ng Salita ng Diyos, pagdalo sa panalangin at Sakramento, ang pagtulong sa kapwa ay ang pangangalaga, wastong pamamahala ng kalikasan. Sapagkat ang pagkasira ng kalikasan umuuwi rin sa pagkasira ng ating buhay. Kaya po ngayon kita natin dito, dumaan lang po ako sa Roxas Boulevard, ang tone-toneladang basura na ibinalik ng dagat dito sa lupa para bagang sinasabi nung dagat; di naman akin iyan nilagay mo dito sa akin, ayan binabalik ko sa inyo. Kaya yung sinasabi ni Pope Francis na kaisipan at kulturang tapon ng tapon at ang pinagtatapunan parang patapon na rin, wala tayong pasintabi, wala na tayong paggalang. Ito minsan tayo rin ang unang napipinasala ng kapinsalaan dulot din sa ating common home, sa ating iisang planeta, sa ating iisang tirahan. Kaya po bahagi nito panawagan, huwag na po tayong makadagdag sa ikasisira ng ating kalikasan.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Ipinagdarasal ng Kardinal sa Panginoon na protektahan ang mga tao laban sa karahasan ng kalikasan.

“Mapagmahal na Diyos kinikilala ka namin bilang pinagmulan ng buhay ng kalikasan at ng lahat ng mabubuting bagay. Naniniwala rin po kami na nasa iyong mga kamay ang takbo ng panahon, ng ihip ng hangin, ulan, dagat at ng iba pang mga puwersa sa kalikasan. Protektahan nyo po ang mga tao lalo na ang mga dukha at walang kalaban-laban, laban po dito sa karahasan ng kalikasan. Humihingi rin po kami ng kapatawaran sa mg kalabisan namin na nakasisira sa kalikasan at sa kapwa tao. Sana po ang aming puso at mapuno rin ng pagkalinga sa kalikasan at sa kapwa tao. Hinihiling po naming ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon, Amen.” panalangin ni Cardinal Tagle.

Naunang humingi ng saklolo sa Simbahan si Rev. Fr. Rey Hector Paglinawan, Parish Priest – Most Holy Redeemer Parish Church – Masambong, Q.C. para sa evacuees.

Nanawagan din ng tulong Social Action Center ng Diocese of Kalookan at Antipolo para sa libu-libong residente na binaha at nanunuluyan sa mga evacuation centers.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Truth Vs Power

 34,142 total views

 34,142 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 43,477 total views

 43,477 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 55,587 total views

 55,587 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Plastik at eleksyon

 72,664 total views

 72,664 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 93,691 total views

 93,691 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Arnel Pelaco

Ordination ni Bishop-elect Rufino Sescon Jr., plantsado na

 2,650 total views

 2,650 total views Nakahanda na ang Archdiocese of Manla sa Episcopal Ordination ni Most.Rev.Rufino Coronel Sescon Jr., sa Minor Basilica of the Immaculate Conception Manila Metropolitan cathedral o kilala bilang Manila cathedral sa ika-25 ng Pebrero, 2025 ganap na alas-nuebe ng umaga. Bishop elect Sescon ay itinagala ni Pope Francis bilang ikaapat na punong-pastol ng Diocese

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

“Magpakatotoo: Magpakatao at Makipagkapwa-tao.”

 14,548 total views

 14,548 total views Ito ang hamon ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization bilang guest speaker sa Ateneo de Manila University college at graduate school class of 2024 noong ika-21 ng Hunyo 2024. Sa nasabing 2024 University commencement, ginawaran si Cardinal Tagle ng degree of Doctor of Philosophy, honoris causa. Sinabi ng

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mapayapang Ecumenical engagement sa ibang Denominasyon patuloy na isinasagawa ng Simbahan

 27,825 total views

 27,825 total views Naging maayos ang “ecumenical engagement” sa pagitan ng Ministry of Ecumenical and Interfaith Affairs ng Archdiocese of Manila at North American Old Roman Catholic Church (N-A-O-C-C) sa Villa San Miguel, Mandaluyong city noong September 14, 2023. Isinagawa ang peaceful dialogue sa pagitan ng Roman Catholic Church at NAOCC upang maayos ang hindi pagkakaunawaan

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Simultaneous outreach programs, isinagawa ng Diocese of Cubao

 28,225 total views

 28,225 total views Nagsagawa ng simultaneous outreach programs ang 46 Parishes ng Diocese of Cubao ngayong August 26, 2023 bilang bahagi ng ika 20 taong anibersaryo ng diyosesis. Ayon sa liham ni Bishop Ongtioco, layunin nito na iparamdam sa mga mananampalataya lalo na sa mga mahihirap na parishioner na ang diyosesis ay nakikiisa at dumaramay sa

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

P1M halaga ng shabu nakumpiska ng BOC

 27,741 total views

 27,741 total views Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang pagpasok sa bansa ng isang bagahe na may lamang P1.055 milyong halaga ng shabu. Ayon sa BOC ang idineklarang chocolate package ay nakitaan ng kahina-hinalang laman ng idaan sa x-ray inspection. Nakita sa loob ang isang pack ng Nerds gummies na mayroong isang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mayorya ng mga mananampalatayang Katoliko ang tumutupad sa kanilang holy week obligations

 27,096 total views

 27,096 total views Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) mula ika-22 ng Pebrero 2023 hanggang a-1 ng Abril 2023 sa may 1,200 respondents nationwide na mayroong +/-3 margin of error. Base sa Veritas Truth Survey (VTS), 58-porsiyento ng 1,200 respondents ang nagsabing hindi sila nahihirapang tumutupad sa kanilang holy week obligations. Ayon sa

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Caritas Philippines, magtatayo ng Advocacy ministry sa lahat ng parokya

 9,870 total views

 9,870 total views Magtatatag ang NASSA/Caritas Philippines ng tatlong (3) advocacy ministry na tutugon sa pangangailangan ng mahihirap at vulnerable na sektor ng pamayananan sa Pilipinas. Sa katatapos na 5-araw na 40th National Social Action General Assembly o NASAGA na isinagawa sa General Santos City ay kinilala ng 204 na social action workers na kinabibilangan ng

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

NTC, ITINANGHAL NA 2021 FOI CHAMPION

 6,969 total views

 6,969 total views Sa katatapos na 2021 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pamamagitan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO) sa National Telecommunications Commission (NTC) ang FOI Champion Award sa Agencies, Bureaus, Councils and Commissions sa National Government Agency (NGA) category. Dinaig ng NTC ang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mass for Frontliners, pangungunahan ni Cardinal Advincula

 6,852 total views

 6,852 total views Pangungunahan ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang “mass for frontliners”. Ang “mass for frontliners” ay alay ng Simbahang Katolika sa mga healthcare worker o medical frontliners na itinuturing na national heroes o pambansang bayani sa gitna ng nararanasang COVID 19 pandemic hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

“1GODLY Vote”, ilulunsad ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication

 6,781 total views

 6,781 total views Ang Diyos ay bahagi ng ating buhay. Marapat lamang na dalhin ang Diyos sa lahat ng larangan at bawat gawain ng tao. Ito ang misyon ng itinatag na programa ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication na binubuo ng Radyo Veritas846, TV Maria at Archdiocesan Office of Communications na “1GODLY VOTE” na

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Hindi maayos na sound system, pangunahing problema sa banal na misa

 6,839 total views

 6,839 total views Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) noong ika-31 ng Marso hanggang ika-30 ng Abril 2021. Base sa V-T-S, nais din ng 24-percent ng 1,200 respondents nationwide na maging maayos ang mga “Choir” at magandang song selection sa mga isinagawang banal na misa. Nais naman ng 20-percent ng respondents ng magandang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Bloody Sunday assualt, kinondena ng Caritas Philippines

 6,846 total views

 6,846 total views Kinondena ng Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace/ Caritas Philippines ang “Bloody Sunday” assualt ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa mga civil rights sa apat na karatig lalawigan ng Metro Manila noong ika-7 ng Marso, 2021. Statement:

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

UST Public Affairs director, namatay sa heart attack

 6,798 total views

 6,798 total views Pumanaw na ang itinuturing na “best Ambassador” ng University of Sto.Tomas sa edad na 62-taong gulang. Sa isang Facebook post, inihayag ng U-S-T na si Associate Profesor Giovanna Villarama-Fontanilla ay naging mukha at boses ng unibersidad sa general public. Inihayag ng U-S-T na si Prof. Fontanilla, director ng Public Affairs Office ng UST

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Digital technology,lifeline ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting balita

 6,666 total views

 6,666 total views Itinuturing ng isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na naging platform ng Simbahang Katolika ang “digital technology” sa pagpapalaganap ng mabuting balita (Good news) sa mga mananampalataya sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic. Inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng C-B-C-P na sa kasalukuyan ay nata-transform ang digital

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mananampalataya, inaanyayahan sa online advent recollection

 6,616 total views

 6,616 total views Magsasagawa ang Diocese of Cubao ng Online Advent Recollection sa pangunguna ng Lay Formation Ministry at Social Communications Ministry ngayong ika-5 ng Disyembre alas otso ng umaga. Tema sa isasagawang recollection ang “Santatlo ng Cubao: Nagsusulong sa Pakikipag-isa, Misyon at Pagbabalik-loob tungo sa ika-500 taon ng Kristiyamismo sa Pilipinas.” Layunin nitong ihanda ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top