Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle, nag-alala sa mga apektado ng lindol sa Eastern Visayas

SHARE THE TRUTH

 427 total views

Nagpahayag ng pag-aalala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa lalawigan ng Leyte.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Ricardo Valencia, Priest Minister ng Disaster Risk Reduction and Management Ministry ng Archdiocese of Manila.

Ayon kay Father Valencia, nagpadala sa kanya ng mensahe ang Kardinal para alamin ang sitwasyon sa Leyte na nakaranas ng magnitude 6.5 na paglindol kahapon.

Si Cardinal Tagle ang kasalukuyang Pangulo ng Caritas International at kamakailan lamang ay personal siyang bumisita sa Leyte at Samar para kamustahin ang pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng kahandaang tumulong ang Archdiocese of Manila sa mga napinsala ng paglindol.

“Tayo ay nakahanda sa pagtulong anuman ang pangangailangan nila, at sana maging bukas din sa pagtulong ang ating mga kapanalig” ani Father Valencia.

Nangangamba ang Pari na dahil sa naganap na paglindol ay makikita ang psycho-social effect ng kalamidad sa kaisipan ng mga taga-Leyte lalo na’t halos apat na taon pa lamang ang nakakalipas ay naranasan nila ang isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ang bagyong Yolanda.

“Na-realize ng Simbahan na marami pa pala ang hindi naka get-over sa epekto ng Yolanda mahalaga talaga ang psycho-social intervention at ito ang ating bibigyan pansin.”Ani Fr. Valencia

Kaugnay nito, nagdulot ng takot at pangamba sa mga residente ang naganap na 6.5 magnitude na lindol sa Leyte, Eastern Visayas.

Ayon kay Rev. Fr. Albert Opiniano, Parish Priest ng Holy Family Parish sa Kanangga, Leyte, malakas ang naramdamang pagyanig sa lalawigan na naganap bandang alas-kuwatro ng hapon.

Pagbabahagi ng Pari, sa lakas ng pagyanig ay nawasak ang pader ng kumbento ng parokya habang nagkaroon naman ng mga bitak at lamat maging ang mga sahig at mismong altar ng Simbahan bukod pa sa mga natumbang cabinet at nagkalat na mga kagamitan.

“Hindi nagtagal pero malakas, first time na merong mga damages, merong mga injury, merong namatay, yung pader namin sa kumbento nawasak, yung pader namin yung wall sa convent, merong crack sa flooring sa altar at saka yung mga gamit namin nagkalat, merong cabinet na natumba…”pahayag ni Father Opiniano.

Pagbabahagi ng Pari, kasalukuyan nang nangangalap ng mga impormasyon ang mga BEC coordinators ng parokya upang makapagsagawa ng assessment sa mga barangay na nagkaroon ng pinsala at lubos na naapektuhan ng naganap na lindol.

“pinakiusapan namin ang mga BEC Coordinators na magbigay sila sa amin ng assessment sa mga different barangay na merong mga damages merong casualty, merong injury, maghihintay pa kami ng report ngayong umaga…” Pagbabahagi ni Fr. Opiniano.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naitala ang sentro ng lindol 8-kilometro sa Timog-Kanluran ng Jaro, Leyte na umabot ng intensity 5 at naramdaman maging sa Roxas City at Negros Occidental.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 59,277 total views

 59,277 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 74,354 total views

 74,354 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 80,325 total views

 80,325 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 84,508 total views

 84,508 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 93,787 total views

 93,787 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Rowel Garcia

1.5-milyong pisong GC, ipapamahagi ng Caritas Manila at Radio Veritas sa World Day of the Poor

 28,905 total views

 28,905 total views Aabot sa P1.5 milyong piso na halaga ng gift certificates (GC) ang ipamimigay ng Simbahang Katolika sa mga mahihirap sa paggunita ng World Day of The Poor sa araw ng Linggo ika-13 ng Nobyembre taong 2022. Ang mga gift certificates mula sa Caritas Manila ay ipinamigay ng Radyo Veritas 846 sa pamamagitan ng

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Mga lider ng simbahan sa Luzon, nagpapasalamat sa maliit na epekto ng bagyong Karding

 29,114 total views

 29,114 total views Patuloy ang ating ginagawang pagkilos at komunikasyon ng iba’t ibang Diyosesis sa Luzon region kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Karding. Batay sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa mga kinatawan ng Simbahan Katolika sa Cordillera Region, walang naging malaking epekto ang bagyo sa rehiyon bagamat may naitalang landslide sa Tinoc-Kiangan road. Kinumpirma ito

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Material Recovery Facility ng Caritas Manila, kabuhayan para sa mga taga-Baseco

 28,852 total views

 28,852 total views Anim-na raang pamilya mula sa Baseco, Tondo Manila ang nakikinabang sa itinayong Material Recovery Facility ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Coca-Cola Foundation. Ayon kay Bonna Bello- implementing program coordinator ng Caritas Manila sa BASECO bilang bahagi ng mga gawain ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga mahihirap. Sinabi ni

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, nagpapasalamat sa Pondo ng Pinoy

 28,723 total views

 28,723 total views Nagpapasalamat ang Diocese of Ilagan sa patuloy na pagtulong ng Pondo ng Pinoy. Ayon kay Mother Mary Peter Camille Marasigan, FLDP o kilalala sa tawag na Mo. Camille, malaking tulong ang Pondo ng Pinoy sa kanilang mga programa na ginagawa sa lalawigan ng Isabela lalu na sa Feeding at Scholarship Program. Sinabi ni

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Pondo ng Pinoy at Diocese of San Pablo, magkatuwang sa pagpapaaral ng mahihirap na estudyante

 3,554 total views

 3,554 total views Magkatuwang ang Pondo ng Pinoy at Diocese of San Pablo sa lalawigan ng Laguna para matulungan ang mga mahihirap na kabataan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa panayam ng Programang Caritas in Action kay Bro. Greg Mendez ng Social Action Center ng Diocese of San Pablo, malaki ang naitulong sa kanila ng Pondo

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng katotohanan, panawagan ng CBCP sa taumbayan

 3,551 total views

 3,551 total views Hinikayat ni CBCP Episcopal Commission on Social Communication at Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang publiko na maging mapanuri sa kanilang mga inilalabas na impormasyon sa social media. Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Bishop Maralit, sinabi niya na dapat gamitin ng bawat isa ang social media accounts bilang

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Simbahan bukas para sa lahat

 3,266 total views

 3,266 total views Bukas ang Simbahan para sa lahat at para sa pagkakasundo. Ito ang naging reaksyon ni Rev. Fr Noel Nuguid, Director ng Diocesan Parish Pastoral Council for Responsible Voting(PPCRV) sa Diocese of Balanga matapos ang sunod-sunod na pagbisita ng ilang presidentiables sa Diyosesis. Ayon kay Fr. Nuguid, ang mukha ng Simbahan ay bukas kamay

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Sustento sa mga anak, tungkulin ng bawat magulang-Ideals

 5,154 total views

 5,154 total views Pinaalaahan ng mga legal expert ang mga magulang na hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak na mayroon silang pananagutan sa batas. Sa panayam ng programang Caritas in Action, sinabi ni Atty. Gail Diola ng grupong IDEALS Inc. na may karapatan ang mga anak na makakuha ng sustento mula sa kanyang mga

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Caritas Manila, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mamamayan ng Ukraine

 3,147 total views

 3,147 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Caritas Manila sa social arm ng Simbahang Katolika sa Ukraine. Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, malinaw na walang nagtatagumpay sa digmaan at tanging nagiging resulta nito ay kapahamakan at paghihirap para sa mga mamamayan ng hindi nagkakasundong lider ng mga bansa. Ito

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Viva artists at Caritas Manila, pinuri ng mga pari sa Visayas Region

 3,392 total views

 3,392 total views Pinuri ng mga kaparian sa Visayas Region na naapektuhan ng bagyong Odette ang paglalaan ng oras at talento ng ilang mga mang-aawit at kilalang personalidad para makalikom ng pondo sa isasagawang church rehabilitation project ng Caritas Manila. Sa isinagawang press conference ng PADAYON o Pag-asa at Damayan sa Pag-ahon online concert 2022, inihayag

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Diocese of Talibon at Tagbilaran, umaapela ng tulong sa pagpapatayo ng mga nasirang simbahan

 3,513 total views

 3,513 total views Umaapela ng tulong ang ilang mga lider ng Simbahan sa lalawigan ng Bohol matapos masira ng bagyong Odette ang ilan sa kanilang mga simbahan o parokya. Ayon kay Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon, labis silang nagpapasalamat sa mga tulong na kanilang natatanggap sa relief and rehabilitation efforts ng Diyosesis para sa mga mamamayan

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Mamamayan, hinimok ng CBCP na makiisa sa 30th World Day of the Sick

 3,100 total views

 3,100 total views Hinimok ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng ika-30 World Day of the Sick ngayong ika-11 ng Pebrero taong 2022. Ayon kay CBCP Health Care executive Secretary Rev. Fr. Dan Vincent Cancino Jr. M.I, ang Simbahang Katolika ay para sa mga maysakit at mga nagkakalinga sa

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Elektrisidad at linya ng komunikasyon problema sa Bohol

 3,282 total views

 3,282 total views Suliranin pa rin ang linya ng elektrisidad at komunikasyon sa lalawigan ng Bohol mahigit isang buwan na matapos ang pananalasa ng bagyong Odette. Ayon kay Sr. Mariam Dungog, SEMS ng Diocese ng Talibon, sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos ang pagkukumpuni sa mga poste ng kuryente at mga cellular sites sa kanilang

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Pagpapayabong ng pananampalatayang katoliko ang misyon ng pagtatayo ng chapel sa SM malls

 3,337 total views

 3,337 total views Pakikiisa sa malakas na pananampalataya ng mga Katolikong Pilipino ang hatid ng bagong Kapilya sa SM Grand Central sa Caloocan City. Ito ang paniniwala ng SM Prime Holdings at SM Group matapos buksan sa mga mananampalataya ang Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel sa nasabing bagong establisyemento noong Disyembre ng taong

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Diocese of Surigao, nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa kanilang pagbangon

 3,036 total views

 3,036 total views Labis na nagpapasalamat ang Diocese ng Surigao sa maraming tulong na kanilang natatanggap matapos na masalanta ng bagyong Odette. Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diocese of Surigao, inihayag nito na sila ay nagagalak sa umaapaw na tulong at pagdadamayan na ipinapakita at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top