EnvironmentLatest News

Call for help

Panawagan ng tulong kay Environmental warrior Fr. Pete Montallana.

Nananawagan ng tulong pinansiyal ang Alyansa Tigil Mina maging ang Radio Veritas para kay Save Sierra Madre Network Alliance Inc. convenor Father Pete Montallana.

Lunes ika-17 ng Pebrero nang isinugod sa ospital ang pari matapos tumaas ang blood pressure sa isinagawang pagdinig ng Senado sa usapin ng Kaliwa Dam.

Ang grupo ni Father Montallana ang nangunguna sa pagtatanggol sa kabundukan ng Sierra Madre na nahaharap ngayon sa bantang pagkasira bunsod ng binabalak na Kaliwa Dam Project ng pamahalaan.

Para sa mga Good Samaritan, maaring ipadala ang tulong sa mga sumusunod.

PEDRO MONTALLANA (bank account name)
Bank of the Philippine Islands (BPI) Savings Account # : SA 0129-2823-04

Maari ring makipag-ugnayan sa Save Sierra Madre Network Alliance, Inc.(SSMNAI)sa mga sumusunod na numero: Conrad Vargas (0920) 257-46-26 (SMART) (0917) 323-53-05 (GLOBE) 8912-0224 (office landline).