Pumanaw na ang pinakamatandang obispo sa Pilipinas na si Legazpi Bishop-emeritus Jose Sorra sa edad na 91.
Humiling naman ng panalangin sa mananampalataya ang Diyosesis ng Legazpi para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bishop Sorra.
Ipinabatid ng diyosesis ang pagpanaw ng obispo ngayong umaga araw ng Huwebes, January 21 dahil sa ‘respiratory failure’.
Si Bishop Sorra ay unang itinalagang obispo sa Diyosesis ng Virac noong Mayo 1974 at makalipas ang halos dalawang dekadang pamumuno ay itinalaga naman bilang obispo ng Legaspi noong Marso 1993 hanggang sa magretiro noong 2005.
Sa pagpanaw ni Bishop Sorra, si Catarman Bishop-emeritus Angel Hobayan na ang pinakamatandang obispo sa bansa sa edad na 91- taong gulang.
Base sa Catholic Hierarchy website, may 154 na obispo ang Pilipinas kabilang na ang mga Filipinong obispo na naglilingkod sa tanggapan at bilang kinatawan ng Holy See sa iba’t ibang panig ng mundo.
- Pagkakaisa ng mamamayan sa Iraq, kahilingan ng Santo Papa - Thursday, March 4, 2021 10:07 am
- Dayalogo, mungkahi ni Pope Francis sa mga lider ng Myanmar - Thursday, March 4, 2021 9:41 am
- Caritas in Action ng Radio Veritas, bukas pusong pagtulong sa mga dukha - Tuesday, March 2, 2021 12:07 pm
- Empower women-Obispo - Monday, March 1, 2021 12:21 pm
- Mensahe ng opisyal ng Vatican sa ika-14 na World Rare Disease day - Monday, March 1, 2021 10:57 am
- Simbahan, nanawagan sa taumbayan na suportahan ang Alay Kapwa program - Saturday, February 27, 2021 10:46 am
- Pamunuan ng Quiapo church, binati ng opisyal ng Vatican - Friday, February 26, 2021 8:49 am
- Isakatuparan ang diwa ng pagkakaisa ng EDSA - Thursday, February 25, 2021 2:05 pm
- Quiapo church media, kabilang sa top influencer media channel - Wednesday, February 24, 2021 12:17 pm
- Cardinal Tagle, itinalagang administrator of the Patrimony of the Apostolic See ni Pope Francis - Tuesday, February 23, 2021 11:19 am